NGAYON ipapakilala ng Daddy niya sa kanya ang sinasabi nitong anak ng kaibigan nito na gusto nitong ipakasal sa kanya. Kaya handa na rin si Frankie na ipakilala si Ezekiel sa Daddy niya bilang kasintahan niya para matigil na ang ilusyon nito na mapapasunod siya nito sa gusto nitong mangyari. Galing sa bahay nila Zoe ay dinaanan ni Frankie si Ezekiel sa restaurant para sabay na silang humarap sa Daddy niya. Pagpadara ng kotse ni Ezekiel sa harap ng bahay ay baba na sana si Frankie ng pigilan ito ni Ezekiel. “Wait.” Humento naman si Frankie at nilingon ang binata. “Are you okay?” tanong niya ng makitang parang namumutla ito at kulang nalang ay maiihi na sa pantalon sa sobrang kaba. Nakangiwing ngumiti si Ezekiel. “Kinakabahan ako. I mean, we met a few times before pero iba naman kasi

