PAGPASOK ni Rob sa sports bar ay agad niyang natanaw ang nakatatandang kapatid sa may bar area at mag-isang nag-iinom. Hindi niya alam kung matatawa ba o maawa ba siya dito. Alam na alam naman kasi niya kung bakit siya nito tinawagan. Malamang ay nag-away na naman ito at ni Frankie. Napapailing siyang naglakad palapit dito. Sa galing kasi nitong negosyante at galing sa pagsolve ng mga problema sa mga negosyo nito, problemang puso lang ay hirap na hirap itong diskartihan. “Big bro…” tapik niya sa balikat nito ng makalapit. “Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hinihintay ah…” “Easy, natraffic ako, eh. Ano na naman ba ang pinag-awayan niyo?” “We did not fight,” sagot ni Noah na inisang lagok lang ang laman ng baso. “Oh eh, anong problema kung hindi naman pala kayo nag-away?” Noah s

