52. Chapters FRENZY POV Ang haba ng paliwanag ni Miguel tungkol sa financial status ng hacienda. Pakiramdam ko talaga ay may kadikit akong malas. Una, dumating lang ako sa Hacienda Villoria ay pumanaw agad si Papa. Sumunod naman, inatake si Mama Sevi sa puso ngayon ay naoperahan pa. Pangatlo, bagsak na pala ang hacienda dahil sa hindi maipaliwanag na nawawalang kinita ng tubuhan. Napa-isip ako, na mas maigi pa siguro na sa ibang bansa na lang ako mag-aral. Pero winasiwas ko ang isipin na yun dahil hindi ko dapat iyon iniisip. Paano ko iiwan si Miguel? Ngayon pa lang kami nagkabati. Ngayon pa lang magsisimula ang masaya naming love story kaya paano ko siya iiwan? Isa pa, ako ang heredera ng Hacienda Villoria, kung ako ay may karapatan sa ari-arian ni Papa, ako rin ay may responsibili

