17. Chapter FRENZY POV “Bakit Miguel? Saan ka pupunta?” tanong ko kay Miguel nang makita ko na nag-aalsa balutan na siya ng gamit. Parang dala na niya ang lahat ng damit niya, mukhang hindi na siya uuwi. “Next week pupunta na ako sa Maynila.” Hindi pa pala siya aalis pero ang aga naman niya mag impake. Parang gustong gusto niya na umalis. “Tinanggap ko na ang full-scholarship sa UP. Pero isang sabi mo lang na huwag akong tumuloy, susundin kita. Ano Frenzy, pigilan mo ko—” Bigla akong nalungkot sa aking narinig. “Guel… gustuhin ko mang pigilan ka—” “Edi pigilan mo!” agad na sabi ni Miguel at hinawakan ng mahigpit ang pulsuhan ko. Ang taas ng kanyang emosyon, nakakanginig ang matalim niyang titig. ‘Miguel, mas gusto kong makita kang successful–” “Ayaw mo talaga akong makita.” ‘Mig

