49. Chapter TRIGGER WARNING BED SCENE NA NAMAN TOM POV Inis na inis ako sa sarili ko dahil ang dami kong failure sa buhay. Sinikap kong maging mabuting tao, higit sa lahat ay maging isang mabuting anak. Successful man ako sa paningin ng ibang tao pero sa sarili ko, isa akong talunan. Dahil sa kagustuhan kong i-pursue ang gusto kong kurso na Engineering ay napabayaan ko ang hacienda. Ako ang inaasahan na magiging kahalili ni Papa Ramon pag wala na siya pero mas sinunod ko ang puso ko. Alam ko naman kasi na nasa mabuting kamay ang hacienda at kayamanan ng angkan namin. Pero masyado akong naging panatag. May mga ganid talaga at halang ang kaluluwa kahit pa pakainin mo na sa iyong palad. Isa pa sa pagiging failure ko ay sa love life. Ang babaeng gusto ko ay iba ang gusto. Almost three ye

