26. Chapter FRENZY POV “Sorry po.” Nagulat ako dahil sa matalim na titig ni Ninong Ardy sa akin. Para akong magnanakaw na nahuling nagnanakaw. “Ninong, kanina pa po ba kayo nariyan?” nauutal ko pang tanong. “Sino yun?” Hindi niya na sinagot ang tanong ko. Kanina pa siguro siya kasi nakita niya pa sina Tom at Aya. “Ah kaklase ko po Ninong—” “Yung lalaki?” “Ah hindi po. Kapatid po yun ng kaklase ko.” Tinalikuran na niya ako at sinundan ko na siya, Bakit parang guilty ako? May nagawa ba akong kasalanan? "Daan ka sa bahay," utos niya pero parang may diin. Nakakatakot ang awra ni Ninong, Para niya akong papaluin. Bawal ba akong makipagkaibigan? Pinauna ko lang si Ninong at ang mga chismosa na umuwi na sa kanya-kanyang bahay. Pagdating ko sa bahay niya ay nakabukas na ang pin

