Chapter 13

1420 Words
Sofia Nong bata pa ako nagkukumahog pa kami ng Kuya Brent tuwing bibisita kami sa bahay ng Lolo't lola namin sa probinsya. Nagtatakbo kami---paunahan sa pagtakbo kung sinong mauna makarating at makapag mano sa mga matanda. Isa sa mga exciting part ng maliit pa ni kuya ay ang magbakasyon kami sa probinsya. Hinahatid lang kami nila Mom and Dad and we will spend there 2-3 mos depende sa haba ng summer vacation namin. Pero iba ngayong gabi, imbes na magtatakbo para makita ang mga nasa loob parang gusto kong tumakbo pabalik. Ang tindi ng kaba...umaapaw pakiramdam ko nauubos ang lakas ko. Mahigpit na mahigpit ang kapit ko sa kamay ng nobyo. Nararamdaman niya ---alam ko. Dinala nito ang mga kamay ko sa mga labi niya . Bumukas ang pinto Isang malawak na dinning ang lumantad ----sa lapad nito ay parang isang maliit na event place ang sukat na nito Mga naglalakihang chandelier at magagarang upuan . At higit sa lahat ang mga taong nakaupo. Sa gitna ang tantiya ko ay Ama ni Joseph . Sa kaliwa nito ay malamang ang ina niya dahil na din pagkakahawig ng features ng binata dito maamo ang mukha nito pero elegante tingnan. May iba pang apat na nakaupo pero hindi ko na napagtuunan ng pansin. Mahigpit ang hawak ng nobyo ko sa kamay.Walang anumang naglakad ito sa palapit sa lalaking na sa gitna. "Good evening Dad and Mom " Tumayo silang dalawa ,niyakap ng ginang si Joseph--tinapik naman ng kanyang ama ang binata. Saka umatras si Joseph at hinawakan ako sa bewang ginaya nito paharap sa dalawa. "Dad..Mom this Sofia my girlfriend" Napa oh ang ginang sa narinig and his Dad shook his head. Saglit silang hindi nakakilos maski ako ay hindi ko din alam ang gagawin kung lalapit ba ko. Bahagya akong tinulak ng nobyo sa ginang. Kaya wala na din ako nagawa kundi batiin siya. "Good evening po " inilahad ko ang kamay. Tinanggap din ito ng ginang at nakapag beso sa kanya. "Your so simple yet beautiful hija" nakangiti ng saad nito tinitigan ang mukha niya. Napakaamo tingnan ng ginang --napangiti na din ako sa kanya . "Good evening po Sir" bati ko din ama ni Joseph "Good evening " sagot lang nito na walang reaksyon ang mukha. Naramdaman kong hinawakan ako ng nobyo sa bewang at ginaya ako para maupo. " By the way babe this is Jerian my youngest sister, Mr Carter and his son and daughter Arthur Carter ,Miarella Carter our business partner and also our family friend. Tumayo si Jerian. at nakangiting yumakap sa akin baby pa talaga ito ng pamilya . Binati niya lang din ako naupo na ito ,mukhang makakasundo ko itong si Jelen. Hindi man lang nag abala ang mag aama na tumayo ,tumango lamang ang dalawang lalaki samantalang ang Mia ay ni hindi ako tinitingnan. Magkatabi kaming naupo ni Joseph sa tabi ni Jerian Siya pala si Mia---oo nga mukha nga itong super model sa mga magazine kung titingnan parang manika ang ganda nito. No wonder na hinahabol habol din talaga ito ng mga kalalakihan kasama na dun sila Kuya Brent at Joseph---pero noon yun iba na nagyon Sofia paalala ko sa sarili. So nandito pala siya sa Pilipinas ngayon. Naupo kami at nag umpisa na kumain.Ang sarap ng pagkain ----parang ito yong mga pagkain na mga nakahanda lang mga mamahaling restaurant. Kaunti lang din ang nakain ko dahil talagang naasiwa at hindi ako makarelate sa mga pinag uusapan nila . Paminsan minsan si Jerian ay nagtatanong sa akin Ng mga tungkol sa school kaya kahit papanu may nakakausap ako bukod kay Joseph Nag excuse ako saglit para magbanyo ..Sinamahan ako ng isang kasambahay para ituro sa akin ang direksyon papunta duon. Nagulat pa ako ng paglabas ko ng pinto ay makita ko si Mia sa labas. "hi" bati ko kanya at naglakad na ako pabalik sa dining.Pero natigilan ako ng magsalita ito. "ahmm dont you think na hindi kayo bagay ni Joseph? Iyong kaagad ang tanong na lumabas sa bibig niya.Hinarap ko siya. "So sino sa tingin mo ang bagay?ikaw? ' hindi na ako nag atubiling sagutin siya. Sa mga nalaman ko dito ay talagang umiinit ang dugo ko sa kanya. Hindi pa niya ako gaanung kakilala ---- pero siya kilalang kilala ko na ang papel sa buhay ng mga taong nakapaligid sa akin. "yes ako ang bagay sa kanya --dont you see ni hindi ka nga makasali sa usapan kasi you know nothing about business--about anything we have as nagmamay ari ng malaking kumpanya , samantalang ikaw anung maipagmamalaki mo ang catering service ng pamilya mo? tsk ang cheap" matapang din nitong pahayag sa akin. Abat! Napapikit ako . Kinalma ko ang sarilio .Saglit lang muli ko sinalubong ang galit na galit niyang titig sa akin. " You know what ayokong patulan ka ang mahalaga sa akin ako ang mahal ni Joseph ako ang pinili niya at pipiliin niya sa asta mo ngayon sino kaya ang mas mukhang cheap" hindi ko na ito hinintay makasagot at dali dali ko na itong iniwan na nagpupuyos sa galit.Baka pag nagtagal pa ako dun ay mapatulan at masampal ko lang ang malditang yun. Pagbalik ko ay nakatayo na ang mag amang Carter marahil ay paalis na ang mga ito si Jelen naman ay wala na marahil ay nauna itong umakyat sa kwarto. Hinihintay na lang ang bruhang at malditang si Mia. Nakasunod ang mata ng nobyo ko sa akin pagbalik.Kaagad naman akong lumapit dito niyakap ang bewang nito.Ewan ko ba parang maaagawan ako ng mga oras na yon kaya gusto ko siyang hawakan. Hinalikan niya ako sa ulo. "Are you alright ? tanong nito sa akin at hinalikan ako sa ulo. "yeah" isang matamis na ngiti ang sinukli ko sa kanya Maya maya ay bumalik na ang malditang Mia. Taas noo pa talaga ito kung maglakad --bagay talaga dito ang ginawa kong nick name sa kanya ---Malditang Mia!. Tinaasan ko lang ito ng kilay kahit hindi nakatuon ang tingin nito sa akin. "Well Mr Lopez will go ahead ang I hope you would consider our proposal" pahayag ni Mr Carter. "Let see Mr Carter" Nakipag handshake ang mag -ama sa mga Lopez.Pero itong si Mia talagang ginagalit ako. Lumapit pa at hindi lang basta handshake ang ginawa kay Joseph talagang halatang idinikit pa niya ang katawan sa nobyo ko. Hindi inaasahan ng nobyo ko ang ginawa niya kaya't mariin siya nito hinawakan sa braso at inilayo sa katawan nito. Humigpit din ang hawak ng nobyo ko sa aking sa bewang .Kung nasa labas lang kami malamang nasubunutan ko na ang malditang to.Napakahigad ah! Naiwan kaming apat sa sala . "Since nandito ka na lang din Sofia tatapatin na kita hija alam mo naman siguro kung sino ang gusto kong pakasalan ni Joseph right?" seryosong pahayag ng Dad nito . Napayuko ako .... eto na nga ba ang sinasabi ko "Dad please you know I already I have made my decision" tinago ako ni Joseph sa likod niya. Nakakuyom ang kamao nito " Are you crazy!" mejo mataas na ang boses ng Dad niya. Ang mommy niya ay kaagad lumapit dito at hinagod balikat nito. "Plano mo ba talagang ipahiya ang mga Carter ngayon mo pa talaga dinala at pinakilla ang babaeng yan, Mia cancelled some of her engagement in Paris para ayusin ang magiging relasyon niyo tapos ipapahiya mo lang! how dare you! at anung maipagmamalaki niyan dito ha?" Pinagpawisan ako ang mga kamay ko...ang bilis ng pintig ng puso...pumipitik din ang ulo ko.Hindi ko alam ang gagawin...anu ba dapat --ipagtatanggol ko ba ang sarili ko? ang pamilya ko?---anu ba dapat anu--- tumulo ang luha ko--sunod sunod , napasinghap at napa iyak na ako. Isang marahas na paghinga ang pinakawalan ni Joseph ng masilip niya akong umiiyak dahil sa pagsinghap ko. "Well I dont expect you to approved my relationship with Sofia, wether you like it or not paninidigan ko siya , Im sorry mom I think we better leave" Hindi ko na nakita ang reaksyon at sagot ng ginang. Dali-dali na ako nitong inakay palabas ng bahay ----sa labas ay sumalubong kaagad sa amin ang isang tauhan at inabot ang susi nag sasakyan binata. Hindi na ito lumingon.Hindi mo pagkakakitaan ng takot si Joseph . Ni paalinlangan na sinagot nito ang ama ay hindi mo mababanaag sa kanya.Parang ako ang nakokosensya bakit sila nag away. Para sa akin hindi dapat ganun---Pero anung magagawa ko kung ako dahilan nun paanu ko pahuhupain ang mga galit nila kanina. Kung ako ang nas iisang dahilan nun!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD