Episode 18

1591 Words

Major Kevin Pascua’s POV NAUPO si Kevin sa tapat ng mag-asawang Bernardo, tumabi sa kanya si Seth. Kararating lang ng mga ito galing Cebu para makipag-usap sa kanila. Nasa loob sila ng isang interogation room. Parehong kilalang mga negosyante ang mag-asawang Bernardo. “Kailan... kailan namin puwedeng... puwedeng makita ang katawan ni Rey?” umiiyak na tanong ni Mrs. Bernardo, mugto na ang mga mata. Ang asawa naman nito ay nakaakbay lang sa ginang, sumusuporta. Hindi umiiyak si Mr. Bernardo pero makikita ang kalungkutan sa mukha, halatang pinipilit lang magpakatatag. “It’s still under autopsy,” sagot ni Kevin, tumikhim siya. “I have to warn you that it will be hard to look at.” “Alam namin,” malamig na sabi ni Mr. Bernardo. “Nabasa ko ang mga balita.” Nag-igtingan na ang mga panga nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD