“NAKAUSAP na namin ang mga magulang ni Rey Bernardo at umamin na rin sila na pinagtakpan nga ang mga gawain ng anak nila,” imporma ni Kevin sa kanila. “Nakatulong ang mga articles na lumabas tungkol doon. They couldn’t deny anything when the public knows about it.” “Nagbigay din sila ng interview sa press kahapon,” umiiling na sabi ni Seth. “Napanood niyo na?” Tumango si Lizette. Kanina niya lang iyon napanood. Humingi ng tawad ang mga Bernardo sa ginawa ng anak ng mga ito, maging sa pagtatakip doon. “Rubielyn will take Catherine Borres’ case,” sabi niya. “Malaki ang posibilidad na maipanalo iyon.” “That’s good.” Tumango-tango si Kevin. “Now let’s focus back on our case. Kahit inamin ni Jacinto Rivera na siya ang pumatay kay Rey Bernardo, hindi pa rin sapat iyon. Mananatili siya sa cus

