NATUTOP ni Lizette ang bibig pagkarating nila sa gate ng bahay ng panibagong biktima na pinuntahan nila sa Rodriguez, Rizal. Sa gitnang parte ng gate ay may nakasandal na kawayan, sa pinakadulo niyon nakatuhog ang isang ulo—ang ulo ng biktima. Napakaraming tao na doon na nakikiusyoso nang dumating sila. May mga media na nagkakagulo na rin at halos hindi ma-contain ng mga local police. Mabuti na lang at may kasama silang escorts. “Let’s move quickly,” utos ni Kevin. Agad silang tumalima. Si Seth ang na-assign sa pagkuha ng pictures ng crime scene. He took shots of the head on the bamboo pole before Kevin ordered to put it down. Ulo iyon ng isang lalaki, nakabukas pa ang bibig nito. The head was sliced by a sharp object. Napakalinis ng pagkakaputol niyon. Pumasok sila sa loob ng malakin

