Senior Inspector Lizette Salcedo's POV LUMABAS si Lizette ng kotse niya matapos maiparada iyon sa tapat ng isang apartment sa Marikina. There was a new victim... again. Kaninang umaga ay nakatanggap ng tawag ang headquarters tungkol doon. Napapalibutan na ng police tapes ang apartment. May mga nakikiusyoso doon pero dahil sa mga pulis na bantay ay hindi ang mga ito makalapit sa apartment. Sinabayan niya sina Kevin at Joshua papasok sa loob ng apartment. Dumeretso sila sa kuwarto at nakita ang bangkay ng isang lalaki sa ibabaw ng queen-sized bed, naliligo sa sariling dugo. His wound was just a one direct stab to the heart. Iyon lang. Another quick kill. Ang kaliwang kamay naman nito ay may nakatarak na hunting knife, nakabaon sa kama. Iginala ni Lizette ang paningin sa paligid. Magulo a

