Episode 11.1

874 Words
Senior Inspector Lizette Salcedo NAPATINGIN si Lizette kay Kevin nang pumasok ito sa opisina nila. Itinaas ng lalaki ang hawak na papel. “I got the warrant against Rizza Mendoza,” balita nito. “Pupuntahan ko siya ngayon para pasamahin dito sa headquarters.” Nalaman nila mula kina Kevin kahapon na patuloy na idine-deny ni Rizza ang tungkol sa palitan nito ng emails ng biktimang si Marcelo Duenas. Now, they had a warrant. Sana lang ay magsalita na ito. “I found something.” Napatingin silang lahat kay Richard nang magsalita ito. Kababalik lang nito sa trabaho at kanina pa ngang nagpakasubsob doon para daw makatulong sa team. “Tsinek ko ang credit cards ni Loisa Alday galing sa informations niya,” dugtong ni Richard. “She has a recent transactions just a moment ago. Sa SM City Batangas. It looks like she’s shopping there.” Napailing pa ang lalaki. “Batangas,” usal ni Lizette. “I’ll call the police department near there para ma-secure nila si Alday.” Nagmamadaling lumapit si Lizette sa telepono para tumawag ng backup. It would take them four hours to get to Batangas by car. Mas makabubuti na ang mga pulis doon na ang kumilos. Pagkatapos ng tawag, lumapit agad si Lizette sa isang computer para ipadala sa police department sa Batangas ang picture ni Loisa Alday. “Let’s hope they catch her fast,” sabi niya. “Lizette,” tawag sa kanya ni Kevin. “Kinausap nga pala ako ni Chief Babor kahapon. Gusto niyang makilala ang hacker na tumulong sa atin sa first case na hinawakan ng team. Kayong dalawa ni Joshua ang nakakilala sa kanya, `di ba?” Sinulyapan ni Lizette si Joshua na nakaupo at kumakain ng Snickers. The man was being lazy again. “Oo.” Ibinalik niya ang tingin kay Kevin. “Bakit? Nangako kami kay Walter na hindi siya madadamay sa kaso.” Ipinaliwanag sa kanila ni Kevin sa mabilis na paraan ang naging usapan nito at ni Chief Babor. Tumango-tango si Lizette. Well, wala naman palang masama doon. Base sa nasaksihan noon nila ni Joshua, Walter Adrian Wines’ hacking skills was indeed extraordinary. Hindi na nakakapagtaka na nakuha nito ang interes ng Chief. “Tatawagan ko siya,” sabi niya. “Nasa akin naman ang contact details niya. Papupuntahin ko siya dito.” “Thank you,” ani Kevin. “I’ll just arrest Mendoza. Tawagan niyo ako kapag may nangyari.” Pagkaalis nito ay naging abala na sila sa kanya-kanyang gawain. Tiningnan uli ni Lizette si Joshua. “Hindi ka pa ba tapos kumain? Wala ka bang gagawin?” tanong niya. “Pupunta kami ni Monica mamaya sa bahay ni Isabel Cortes,” tukoy nito sa asawa ng biktimang si Michael Cortes. “Tumawag na ako sa kanya. May business meeting pa raw siya kaya mamayang alas-kuwatro pa ng hapon nakikipagkita. Alas-nueve pa lang. At saka nasa Forensics Lab pa si Monica.” Inirapan na lang ito ni Lizette at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng report na ibibigay kay Kevin. Tinawagan niya na rin si Walter para itanong kung puwede itong pumunta sa headquarters. Pumayag ang lalaki at sinabing bukas ito pupunta pagkatapos ng trabaho. Lumipas ang halos isang oras nang makatanggap siya ng tawag mula sa police department sa Batangas. “They caught Alday,” masayang balita niya sa mga kasamahan. “They’re on their way here.” Ngayon malalaman na nila kung bakit nagtago ang girlfriend na iyon ni Marcelo Duenas. “Binasa ko ang police reports ng kaso ni Terre Limcao,” sabi naman ni Seth. “Tatlong beses siyang nakulong dahil sa prostitution of teenage girls. Hinanap ko ang mga kasong iyon at nalaman ko na isa sa mga teenager na ibinugaw niya ay namatay sa kamay ng nagbayad para dito.” “That can be a motive,” sabi ni Joshua. “You looked into the victim’s family? Posible na maghiganti sila.” “Oo,” sagot ni Seth. “Nakatira ang pamilya ng teenager na biktima sa Pasay City. Ako na ang pupunta para kumausap sa kanila.” Tumango-tango na lang si Lizette. “Wala akong nakita sa CCTV footage ng bahay ni Michael Cortes noong namatay siya,” sabi naman ni Richard. “Tumugma rin ang alibi ng asawa at anak niya kung anong oras sila dumating.” Tiningnan nito ang mga papel na katabi ng laptop. “Pero nakalagay naman dito sa police reports noon na pumasok ang killer sa isang sliding window sa living area. It was unlocked at that time.” “How did the killer know it was unlocked? At hindi man lang niya sinubukan na pumasok sa mga pinto?” tanong ni Joshua. “This killer knows the places of the victims.” Napaisip na rin si Lizette. Walang links na makakapag-ugnay sa bawat biktima. Wala silang nakitang tao na nakakakilala sa lahat ng ito. Which means this could be a random killing. The killer didn’t know his victims. Pinag-aaralan lang nito ang mga biktima, maging ang lugar ng mga ito. Kung ganoon nga, siguradong mas mahihirapan sila sa imbestigasyon. Links helped investigations a lot. Kapag wala niyon, para silang naglalakad sa dilim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD