17th Chapter

1506 Words

DECEMBER 17, 2017 (1:03AM) "CAN'T SLEEP yet, Gia?" Nalingunan ni Gia si Jeremy na nakasilip sa bintana ng attic habang nakapatong ang mga braso sa windowsill at nakatingin sa kanya. Siya naman, nakaupo sa bubong at may kumot na nakabalot sa katawan niya dahil manipis ang pares ng pajama na suot niya. Kahit naka-medyas na siya, giniginaw pa rin siya. Pero kahit malamig ang simoy ng hangin, nagtiis siya dahil gusto niyang titigan ang malawak at madilim na kalangitan. Napansin niyang kakaunti ang mga bituin ngayon na nagpalungkot sa hitsura ng langit. "I can't," sagot ni Gia kay Jeremy, saka siya muling tumingala sa paborito niyang night sky. "Kahit nakahiga at nakapikit ako, hindi pa rin tumatahimik ang isip ko kaya umakyat na lang ako dito." Nagpasundo siya kay Jeremy kanina dahil paki

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD