TUMUNOG ang doorbell. "Si Aron Anderson na siguro 'yan," sabi ni Jeremy, saka tumayo at maingat na ipinatong sa sofa ang nakatiklop na kumot. "Ako na ang magbubukas ng gate," sabi nito, saka lumabas ng bahay. Tumayo naman si Gia at excited na naghintay. Ngayong magaang na ang pakiramdam niya, nagdesisyon siyang kumustahin ang mga kaibigan. Nasimulan na niya kay Maj kaninang madaling-araw kaya ngayon naman, si Aron ang kanyang kukumustahin. Kakalimutan muna niya sina Vincent at Wendy. Siyempre, pagbalik ng pamilya niya mula sa Hong Kong, babawi rin siya sa mga ito. "Gia, I didn't know what's going on, but happy birthday!" masiglang bati ni Aron pagpasok pa lang nito kasunod ni Jeremy na may bitbit na dalawang malaking plastic bag sa isang kamay lang at sa amoy pa lang ng mga iyon, hala

