"SO OUR goal is to retrieve our time capsule," pagsisimula ni Vincent habang nagmi-meeting sila sa mahabang dining table sa bahay ng mga magulang ni Gia. "I have a plan, so listen carefully." Nakauwi na silakaninang alas-singko ng umaga. Natulog ang mga kaibigan niya sa bahay ng pamilya ni Gia sa Bulacan at nagsiksikan sa kuwarto ni Gio. Sila naman ng kapatid, sa kuwarto ng mama at papa nila natulog. Dalawa lang kasi ang rooms sa bahay sa Bulacan. Lahat sila, tatlong oras lang nakapagpahinga. Kaya nga hayun sila ngayon, 7:00 AM pa lang, pero gising na at nagmi-meeting habang ang mga magulang at kapatid naman ni Gia, tulog pa. Mukhang in-assign ni Vincent ang sarili bilang de facto leader at wala namang tumututol dahil tiwala sila rito. Sa totoo lang, nararamdaman na naman ni Gia ang mat

