28th Chapter

1991 Words

BUMANGON si Gia at nagbihis ng pang-alis na damit. Ipinatong niya ang red hoodie (na hindi na niya ibinalik kay Jeremy dahil nagustuhan niya iyon) sa suot na manipis na T-shirt. Sa unang pagkakataon, sinubukan niyang isuot ang 'skinny jeans' na binili sa kanya noon ni Wendy (wala siyang choice kundi isuot ang mga binili nito dahil wala na siyang damit mula sa mga unang ipinabili ni Jeremy para sa kanya). Nakakapanibago na masikip iyon sa mga binti dahil sa panahong pinanggalingan niya, mas uso ang maluluwag na leg pants. Pero mukhang bumabalik naman iyon dahil naalala niyang may 'square pants' din na binili sa kanya si Wendy. Kaya lang, mas komportable siya sa simpleng jeans. Pagkatapos isuot ang sneakers, lumabas na siya ng kuwarto at dumeretso sa sala kung saan nanonood ng TV ang papa a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD