Chapter 2

590 Words
Chapter 2   Zandrick’s POV   “Sir, pinapatawag ka po ni Boss,” napailing ako nang marinig ang tinig ng isa sa alagad ni Daddy sa aking likuran. Ibinaba ko ang hawak kong baso na may lamang wine saka ko siya hinarap. I look at his eyes dangerously at nang magkatama ang aming mata ay siya mismo ang unang umiwas doon.   “Susunod ako,” wika ko saka umalis na sa pagkakatingin sa kanya. Ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa harden sa labas nitong veranda saka muling kinuha ang alak sa mesa at muling sumimsim doon.   Malapit ko nang mamanahin ang posisyon ni Dad. Hindi man ako siguradong magagampanan ko nang maayos ang posisyong iyon pero titiyakin kong hindi ko mabigo si Dad. Hindi man madali para sa akin pero wala akong magagawa. Ako ang nag-iisang anak ni Dad kaya walang sino man ang makakamana sa posisyon ni Daddy kung hindi ako lang.   Ilang minuto pa bago ako tumayo mula sa aking kinauupuan saka nagsimula nang humakbang patungo sa kuwarto ni Dad. Doon ay nadatnan ko siyang umiinom rin ng alak habang masuyong nakatingin sa monitor. Nang mapansin ang aking presensya ay kaagad rin itong bumaling sa akin.   “Why Dad?” tanong ko. Umupo ako sa harapan ni Daddy saka ko siya tiningnan sa mata.   “I’ll be retiring soon,” bungad nito sa akin. Hindi na ako nagulat pa sa sinabi ni Daddy. I expected him to say that pero hindi ganito kaaga. Akala ko sa susunod na taon pa niya iyon ibibigay sa akin kaya hidi ko alam kung bakit napaaga siya nang pasya.   “Bakit ganito kaaga Dad?” I asked him. Handa na naman akong tanggapin ang posisyong iyon pero hindi ganito kaaga. Baka kasi iniisip kong medyo matagalan pa bago niya iyon ibibigay sa akin.   “Matanda na ako, Zandrick. I need to rest. May ipapagawa lang ako sa’yo bago ko tuluyang ibigay ang posisyon sa’yo,” napaangat ako ng tingin nang marinig ang sinabi niyang iyon sa akin.   “Ano ‘yon Dad?” I asked him curiously. Matagal na niyang sinabi sa akin na may misyon siyang ipapagawa sa akin sa tamang oras pero hindi ko inakalang ngayon mangayari iyon.   “Tulad ng dating gawi, may sisirain tayong negosyo,” wika nito.   Ilang beses ko na namang nasasikhan ang mga plano ni Dad sa nakaraang trabao nila pero kakaiba ito ngayon. Ako na mismo ang gagawa, ang magpaplano sa mismong Gawain kaya alam kong medyo mahirap ito. Pero kaya kong harapin ang kamatayan maipamukha ko lang kay Daddy na handa kong gawin ang lahat para sa aming angkan.   “What’s that task?”   “Ang Cervantes Group of Company. Sila ang nangunguna ngayon sa industriya. Mula sa kanilang shipping line pati sa mga resorts. Gusto kong wakasan ang yaman nila,” huminto ito. Hindi rin ako nagsalita at hinintay na lang ang susunod niyang sasabihin.   “May nag-iisang anak ang pamilyang Cervantes. Babae at dalawampu’t siyam na taong gulang. Make her fall in love and do the plan secretly. Agawin natin ang yaman nila, Zandrick,” wika nito saka muling yumuko at tumingin muli sa kanyang monitor. “Alam kong angkin mo na ang mga tinuro ko sa’yo, Zandrick kaya alam kong magagawa mo iyon nang malinis at walang kahirap-hirap. Babae ang anak nila kaya isang kindat mo lang ay pwede mon ang umpisahan ang gawain na ipapagawa ko sa’yo.” Pagpapatuloy pa ni Daddy. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD