Chapter 7

1375 Words
“No! Drake!” Sumigaw ako nang makita siyang nakahiga sa sahig, hirap na hirap huminga na parang nakikipaglaban para makahinga. Parang nalaglag ang puso ko. Nahulog ang mga files na hawak ko at kumalat sa kung saan, pero wala akong pakialam. Lumuhod ako sa tabi niya at inangat siya para isandal sa mga binti ko. “Where the hell is your inhaler?!” natarantang sigaw ko. Nanghihinang itinuro niya ang kanyang bag. Agad kong tinungo ang sofa, muntik pa akong madapa sa pagmamadali. Binuksan ko ang bag pero hindi ko mahanap, kaya ibinuhos ko ang laman sa sahig. Doon ko lang nakita. Kinuha ko ito at tumakbo pabalik kay Drake. Inalog ko ang inhaler at inilagay sa kanyang bibig. Huminga siya nang todo. Bahagyang gumaan ang kanyang paghinga pero halatang hirap pa rin. Binigyan ko siya ng isa pang buga. Inihilig ko ang ulo niya sa balikat ko para mas tuwid siyang makaupo, alam kong nakakatulong 'yon. I closed my eyes for a second and breathed shakily. What would’ve happened kung hindi ako dumating? Ang totoo, pumunta ako rito para ihatid ang mga files para pirmahan ni Drake at para humingi na rin ng tawad tungkol sa nangyari kahapon. Pero ito agad ang bumungad sa akin. “H-hey, are you okay?” tanong ko, medyo nanginginig pa ang boses. Hindi siya makasagot, masyado pang mahina. Binigyan ko siya ng isa pang buga at hinayaang magpahinga sa balikat ko. Umupo kami sa sahig nang ilang minuto hanggang sa maging normal na ang paghinga niya. “T—thanks,” he gasped out. Napataas ang kilay ko. Proud, arrogant jerk just said thank you? Akala ko magsusungit na naman siya. “It’s fine. I’m glad you’re alright. But please, can you keep your inhaler close to you always?” I said. He nodded, still pale and shaky. Thank God his attacks were mild. Kung hindi… Bago pa siya tuluyang makabawi, pinitik ko ang kanyang noo na ikinangiwi niya. “You proud jerk! Wala ka bang sense? Dapat palagi mong dala ang inhaler mo. It shouldn’t be placed in the bag!” I snapped. “It’s always in my pant pocket. I just forgot it today, okay?” he replied weakly but calmly. “Syempre makakalimutan mo! Kasi puro ka trabaho at pagsisante ng mga tao! You really are a proud jerk.” I flicked his forehead again. “Ouch! Are you here to help or kill me?” he groaned. “All of the above. Just tell me which one you want. Gusto mo bang mamatay o mabuhay?” I asked. “Baliw ka ba?! Of course I want to live,” he snapped back, even if he was still gasping. “Then shut up and take another puff.” I shoved the inhaler to him again. “Napakasama mong doktor. Mamatay ang pasyente mo sa ginagawa mo,” he growled. “Aba, nagsasalita pa.” Pinitik ko ulit ang noo niya. “And for your information, I’m not your doctor. Secretary mo ako, in case nakalimutan mo.” Inirapan ko siya. “I will never forget my inhaler in my bag again,” he muttered under his breath. Akala niya hindi ko narinig. “Mabuti,” I said sharply. “Pero hindi ko alam na asthmatic ka, Drake. Since when? What happened?” I asked curiously. “I don’t want to talk about it,” he whispered. Napatingin ako sa kanya. For a moment, I actually felt bad. I stayed with him, giving him puffs until I was sure he could finally breathe normally. Pagkatapos ay dahan-dahan kong inalis ang ulo niya sa balikat ko at tinulungan siyang umupo. “Kailangan ko nang bumalik sa opisina ko,” malumanay kong sabi at inabot sa kanya ang inhaler. I stared at the mess and sighed. Ako pa talaga ang maglilinis. Pinulot ko ang lahat ng gamit galing sa bag niya at maayos na ibinalik. Pagkatapos ay tinipon ko ang mga files na nakakalat sa sahig. Nakaupo lang doon si Drake at tahimik akong pinapanood. Sinusundan ako ng kanyang mga mata. Siguro napagtanto niya na muntik na siyang mamatay, mabuti na lamang at dumating ako. Nang matapos ako, inilagay ko ang mga files sa kanyang desk. Nagtagpo ang aming mga mata, pero agad akong umiwas ng tingin. “Files for signing,” I said flatly. He nodded. “I’ll be in my office,” I added, then left before my heart could even think of reacting to whatever that moment was. Hindi ako mapakali habang nasa trabaho, kaya sinisilip ko ito sa kanyang opisina. Pero nang makitang wala siya sa desk. Nakaramdam ako ng kaba. I slowly pushed the door open, the hinges making a soft creak. Pagpasok ko, nakita ko siyang natutulog sa sofa. “Tulog na tulog ang gago,” I muttered, scoffing, pero bakit parang ang gaan ng loob ko na makita siyang payapang nagpapahinga? I walked closer and placed my hand on his forehead to check his temperature. “Normal naman,” bulong ko at napangiti nang hindi sinasadya. Pero nang aalisin ko na sana ang kamay, bigla siyang dumilat. “What are you doing?” he asked, voice groggy and weak. “Trying to kill you,” I smirked. “What?!” napabalikwas si Drake na parang pusang nagulat, nawala bigla ang panghihina niya. Tinaasan ko siya ng kilay. “Bakit? Huwag mong sabihing takot kang mamatay?” “The hell! Are you crazy?” he barked. “That’s an understatement,” I shot back, smirking again. Drake ran a hand through his hair, looking like he wanted to pull it out. “Kailan ka pa naging mangkukulam, ha?” “Simula nang maging secretary mo ako,” sagot ko. He just stared at me, speechless for once. “Relax, jerk. I only came to check on you. I was feeling your temperature to make sure you’re okay,” I said, rolling my eyes. “Thanks. I’m fine,” bulong niya sabay sandal sa upuan niya. “Yeah, I can see that, Mr. CEO. Owner of the company,” I said with enough sarcasm to fill the room. He scoffed and rolled his eyes. ”Now that I know you’re alright, babalik na ako sa trabaho, sir,” sabi ko at yumuko. Hindi siya umimik. Tinitigan lamang ako ni Drake na parang ngayon lang niya ako nakita hanggang sa makarating ako sa pinto. “Weirdo,” he mumbled under his breath. The moment I opened the door, Sevi and Rhyd practically jumped in. Para silang nakadikit sa pinto at nakikinig ng palihim. “Hindi ko alam na chismoso rin pala kayo,” naiiling na nilampasan ko ang dalawa. Pagbalik ko sa desk ko. Nakatanggap ako ng message mula kay Jas. Ipinaalala nito ang night out namin. Sakto naman na pauwi na ako kaya maghahanda na lang ako para makapunta sa lugar na sinabi ni Jas. Umabot ng isang oras ang pag-aayos ko bago ako nakuntento sa aking outfit. “Where are you guys?” tanong ko kina Jas at Hyra sa phone. Nasa bar na rin sila. “Right behind you, sugar pie,” Jas let out a shrill squeal, giggling like a menace. I turned around and screamed. “Hi, girls!” “Holy molly! Your outfit… it’s so beautiful!” halos magkasabay na sabi ng dalawa. “Thanks. You two look stunning! Hoy, Jas, akin na 'yang damit mo pagkatapos mong isuot,” sabi ko pa, kaya natawa sila. “Gosh! I missed you so much, sugar pie.” Sabay kami nitong niyakap ng mahigpit. “I missed you both like crazy!” niyakap ko sila nang mas mahigpit na para bang ilang taon kaming hindi nagkita. “Let’s go in and have fun, please,” Jas said, eyes sparkling. We nodded, held hands and walked inside. And I swear, it felt like everything moved in slow motion when we walked in. The lights literally hit us like they were programmed to follow us. Our faces glowed, our confidence skyrocketed. The whole room stopped. And the guys? The moment they saw us, itinulak nila palayo ang mga babaeng kasama nila sa dance floor. “Blaire?” gulat na sambit ni Drake, at biglang nahulog ang hawak niyang bote ng alak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD