Isang malakas na palakpakan ang umalingawngaw sa loob ng silid. Kasama ko sila sa pagpaplano nito. Noon pa man ay lihim ko nang pinaplano ang engagement kasama ang mga kaibigan ko pati na rin ang mga kaibigan ni Blaire. Kahapon nga lang nang pumunta ako sa jewelry store para kunin ang singsing kasama sina Sevi at Rhyd. Hindi pa rin ako makapaniwala na magiging asawa ko na siya. Ang babaeng nagpapasaya sa puso ko. The mother of my unborn baby. “Damn! I can’t believe you said yes,” sabi ko habang magkadikit pa rin ang aming mga noo. “Wait… what did you think I was going to say? No?” natatawang sabi ni Blaire. “There’s no way I was going to say no to my Boo Bear,” dagdag niya sabay kurot nang aking pisngi. Napatawa ako. “You're crazy,” I said, poking her nose. “I know, baby. Namana k

