“Sobrang saya ko nang sabihin ni Astraea sa akin ang tungkol sa inyong engagement. Hindi man lang sinabi sa akin ng makulit mong fiancé ang tungkol dito. May permiso ba akong paluin siya?” pabirong sabi ni Mommy. Napahagikgik ako. “Permission granted,” sabi ko na may pilyang ngiti habang nakatingin kay Drake. Huminga ito nang malalim at napanguso na parang bata. Nang makita ko 'yon, lalo akong napatawa. Napailing naman si Mommy bago ako niyakap nang parang isang tunay na anak. “Congratulations, darling. Mom is really happy for you,” sabi niya habang marahang kinukurot ang pisngi ko. Ngumiti ako. “Thank you.” “Congratulations, daughter-in-law,” sabi rin ni Tito Leandro na may masayang ngiti. “Salamat po,” nakangiting sagot ko. “Congratulations, baby,” sabi ni Mommy kay Drake. Tito L

