Umawang ang labi ko habang nakikinig sa mga kalokohang sinasabi ni Drake. This is definitely not my Boo Bear. Someone must have tampered with his brain, kasi parang ibang tao ang kaharap ko ngayon. Habang iniisip ko ’yon, nahuli ko siyang nakatitig na naman sa dibdib ko. Dahan-dahan kong kinuha ang unan sa tabi ko at hinampas sa ulo ni Drake. “Pervert! Anong tinitignan mo?” asar kong sabi, sabay hampas ulit sa kanya. Bigla na lang siyang humagalpak ng tawa. “I was only staring. There’s no harm in that, is there?” tanong niya habang tumatawa pa rin. Nangingiting napailing ako. Keeping Drake happy is something I’ve made one of my priorities. Ayaw kong maalala niya ang tungkol sa kanyang health condition. Ipinangako ko sa sarili na gagawin ang lahat, just to keep him smiling like this.

