*Pak,Pak*
Kaliwa't kanan Na sampal na natanggap Ko Kay Mama
"M-ma m-magpapaliwanag ako" - nakaluhod kong sabi sa kaniya
"U-umalis ka na mier bago pa kita masatan ulit at WAG NA WAG KA NANG BUMALIK DITO,DAHIL SIMULA NGAYON WALA NA KONG ANAK AT WALA KA NA RING NANAY!"-Sigaw Niyang Sabi
"M-Ma" - tawag Ko Ulit Sa kaniya Ngunit Kinaladkad Niya Ko Papunta Sa Gate At Tinulak Sa Labas
"SIMULA SA ARAW,ORAS,SEGUNDO,MINUTO,TAON,BUWAN NA TO WALA KA NANG KIKILALANIN NA INA,AT WALA NA RIN AKONG ANAK NA KATULAD MO!!"-sambit Niya Sakin
Agad Akong Tumayo Sa pagkakaupo Ng Isirado Niya Ang Gate
"Magpapaliwanag ako ma!"-pagmamakaawa ko sa kaniya,.
Ngunit Wala na kong magawa ng Maisira niya na ang gate
Unti unti kong kinuha isa isa yung mga gamit kong tinapon ni mama pinunasan ko ang luha ko at tumayo at pupunta kung saan ako dadalhin ng paa ko
Ang bata bata pa Ang Agang Natikman Ang Luto Ng langit ~
Jusme! Tama lang yung ginawa ni aling jea,masyado kasing nagpadala sa tukso ~
ay naku oo kasi para malaman niya kung gano kahirap magkaanak~
Kaya nga di ko pinapalapit Si Heya Dyan Kasi Baka turuan Niya ng Masama~
Trash Girl ~
Ano Kayang Mangyayari sa magiging anak niya ~
Kung ako Sa Kaniya Magpapakamatay nalang ako~
Buti Nalang di Ka nakipagkaibigan sa kaniya ~
Ganiyan gagawin ko sayo pag kumaringking ka ng maaga~
Jusko! Ambata bata pa ~
Ilan ilan lang yan sa naririnig ko mula sa mga kapitbahay namin,ewan, pero bat ganto ang tadhana sakin? Bakit ako pa? Hindi ko alam kung anong Nagawa kong kasalanan,Kung sa pagiging laitera Naman Sorry Po Di ko sinasadya Yun,
Hindi Ko Alam Kung San Ako dadalhin ng mga paa ko,
Hindi Ko Rin Alam Kung san ako pupunta
Dahil di ko naman kilala Kung Sino?
Basta,bahala na.......
.
.
.
.
.
.
"Tao po!"-Katok ko sa bahay nila jenna
"Sino po sila?"-Saad ng boses sa loob
ng magbukas ang gate ay nakita ko ang isang ginang,
"S-si jenna po ba nandiyan?"-Tanong ko rito
"Ah si miss jenna? Ay ang alam ko ay inuwi na siya sa ibang bansa ng mga magulang niya dahil napapariwara na daw ang buhay dito sa pinas"-Saad nito
"K-kailan p-pa p-po?"-Tanong ko rito
"Kaninang umaga lang,kinuha nga lahat ng gadget nun eh,"-Saad nito
"Salamat po!"-Tanging saad ko na lamang sa kaniya,
Nagtataka man ngunit hindi na ito umimik at pumasok na sa loob
San ako pupunta ngayon?
.
.
.
.
.
.
.
.
Kanina pa ko naglalakad at hindi ko alam kung san ako pupunta
Tumutunog na ang tyan ko dahil sa gutom
"A-ate pahingi po pangkain lang"-Nagmamakaawa kong saad rito
Ngunit tiningnan lang ako nito mula ulo hanggang paa at tinaasan ng kilay
"Sa itsura mong yan nanghihingi ka sakin ng pagkain?"-Saad nito
"Kanina pa po kasi ako nagugutom"-Sagot ko rito
"Mukha ba kong Feeding program ha?Umalis ka nga ang baho!"-Maarteng saad nito hababg tinatakpan ang ilong niya
"Kahit tira tira niyo lang po ate,"-Nagmamakaawang saad ko rito
"Wala nga,alis na Ew disgusting!"-Saad nito
Nanlulumong umalis nalang ako sa gawing iyon dahil pinagtitinginan na rin kami ng ibang tao
"Ate pahingi po ng pagkain"-Nagmamakaawang saad ko sa mga tao
Yung mga ilan ay pinagtatabuyan ako habang ang ilan binibigyan ako ng pagkain
"Salamat po!"-Ngiting saad ko ng bigyan ako nito ng 10 pesos
"Alam mo iha,Magtrabaho ka payo ko lang sayo may itsura ka,Mapapahamak ka lang sa lansangan"-Saad ng ginang tumango naman ako at ngumiti
Ilang araw na rin akong nakatira sa lansangan minsan ay nangangalkal ako sa basurahan para makahanap ng pagkain,
"HOY! bago ka lang dito no?"-Taas kilay na sambit ng matabang babae
"Ah opo"-tanging sagot ko
"Pwesto namin yan,umalis ka dyan"-Ani naman ng isa at tinulak pa ko
Aalis na sana ako ng hablutin ng isa ang mga gamit ko
"Wag po,Aalis nalang po ako sa pwesto niyo wag niyo lang kunin ang gamit ko"-Saad ko sa mga ito habang umiiyak
"Gusto mo pa upakan kita?"-Angas na saad ng mapayat na babae
"Please po wag tong gamit ko!"-Umiiyak na saad ko
"Upakan niyo na yan,"-Saad ng isa
"HOY!! Mga lintik talaga kayo nangugulo na naman kayo dyan"-Sigaw na saway ng isang mukhang guard
Wala na kong magawa ng makuha nila ang gamit ko at nanlumo na lamang akong umupo habang umiiyak
"Okay ka lang ba iha?"-Saad ng guard
"Okay lang po salamat"-Saad ko rito
"Mukhang hindi ka batang lansangan,naglayas ka siguro no?"-Saad nito
"Pinalayas po ako"-Tanging saad ko rito habang umiuyak dahil sa mga gamit ko
"Oh Ito pinapabigay ni Ate Tess Kainin mo raw at inumin"-Saad ng guard
"Sino pong ate tess?"-Saad ko rito
"Yung matabang matanda"-Tanging sagot niya
Dali dali ko namang kinain at ininom ang binigay niya
"Pasabi po kay ate tess maraming salamat po"-Ngiting saad ko rito
"Sige makakaabot"-Ani niya
Tinawag na siya ng isang kasamahan niya at nagpaalam ng babalik sa trabaho nita at umalis
Naglakad lakad ulit ako para makahanap ng tulugan
"Pst Ms,"-Ng lingunin ko ito ay nakita kong nasa kotse ang lalake
"Ako? Bakit po?"-Tanong ko rito
"How much?"-Saad nito
"Pre,Pulubi ata yan eh"-Saad ng nasa loob niyang kasama
"Ok lang yan mapagtiisan"-Tumatawang saad nito
"Anong how much po?"-Tangang tanong ko rito
"Magkano ka in tagalog?"-Saad ng kasama niya
"Bastos niyo po ha!"-Galit kong saad dito
"Bakit,Mas madali ang pera mo isang gabi lang may 5k ka na gusto mo?"-Tumatawang saad nito
"Bastos niyo po gago!"-Galit na saad ko dito at dinuraan siya,galit na galit itong tumingin sakin at ako ay tumakbo naman hanggang sa di nila ako maabutan,
"Nasan na naman ako?"-Saad ko sa isip ko
Pwede na sigurong tulugan dito
Dahil wala masyadong tao at madilim siguro safe na ko rito ngayong gabi.