Simula ng paghihirap

1460 Words
"HOY GISINGG!!"-napabalikwas naman ako ng bangon ng bigla akong buhusan ng malamig na tubig ng babae "Bakit po?"-Tanging tanong ko na lamang "Anong bakit po? Gaga ka ba dyan ka matutulog sa Gilid ng gate namin,umalis ka dyan baka mainit na tubig na ang ibuhos ko sayo"-Galit na sigaw nito "Sorry po"-Tanging saad ko nalang at nagmamadaling tumayo para umalis "Itong mga basura mo dalhin mo yan,sabunutan kita dyan eh"-ani nito Agad agad ko naman kinuha ang karton at nagmamadaling umalis sa lugar na yun *GGRRRRRRRR* Tunog ng tyan ko agad ko naman itong hinawakan "Gutom ka na ba?ako rin eh"-pagkakausap ko sa laman ng tyan ko "Naghahanap po ba kayo ng helper pwede po ako,kaya ko pong gawin lahat basta pakainin niyo lang po ako"-Ani ko sa isang karinderya dahil nabasa ko ang nakapaskil nila sa labas na Wanted Helper "Ang baho naman niyan aling myrna,nakakawalang ganang kumain!!"-sigaw ng isang customer "Sorry po,"-paghingi ko ng pasensya rito "Wala na kaming bakante ineng sa iba nalang"-ani ng matabang babae "kahit taga hugas ng plato lang po o kaya taga punas ng lamesa"-Pagkukulit ko rito "Sinabing Wala E-"hindi niya na natuloy ang sasabihin niya ng matapunan ako ng sabaw na kaniyang dala Naiiyak ako dahil sobrang hapdi ng aking balat ngunit tiniis ko nalang "Ayan natapon tuloy! Kasalanan mo kasi to eh!!sinayang mo lang ang sabaw bwesit talaga!"-Sisi niya sakin "Umalis ka na nga dito bago ko hilain yang buhok mo palabas"-Galit na saad nito "kahit tutong at sabaw nalang po ang ibigay niyo sakin walang problema po,nagugutom na po kasi kami"-Ani ko habang hawak ko ang tyan ko,agad niya naman naintindihan ang pahiwatig ko "Buntis ka?? Akalain mo nga naman oh,pinalayas ka siguro ng mga magulang mo dahil nadisgrasya ka,kabataan nga naman talaga puro sarap ang inuuna,iniwan ka ng tatay niyan nu? Yan ang sinasabing isipin mo na ang magiging bunga bago magpakasarap sa kama,aga mo nakatikim ng langit,tingnan mo ngayon buhay mo nanghihingi ka nalang ng tira tirang pagkain imbis unahin niyo ang pagaaral niyo inuna niyo pagkacurios niyo sa pag gawa ng bata"-Malakas na saad niya kaya narinig lahat ng customer niya pinigilan ko mang maluha ay tuloy tuloy pa rin sa pag-agos nito hindi ko alam kung san ako umiiyak dahil ba sa pamamahiya niya o sa hapdi ng pagkabuhos ng mainit na sabaw o dahol sa sinabi niya Umalis nalang ako sa karinderya na yun,gusto ko lang naman kumain bakit kailangan pang ipamukha sakin na masama akong babae, Hindi ko alam kung san ako dinala ng paa ko ng mapagod ay umupo ako sa gilid ng isang matandang babae, "Gusto mo?"-Ani niya habang binibigay sakin ang malaking tinapay "Salamat po!"-Laking tuwang ani ko rito Ngunit nakita ko sa mga mata niya ang pagkamalungkot kaya hinati ko ang tinapay at binigay sa kaniya ang kalahati na ikinatuwa niya "Salamat po lola!"-Nakangiting saad ko bago kumagat ng tinapay "Sino sino pa ba ang magtutulungan tayo tayong mga pulubi lang"-ani nito "Hindi pa po kasi ako kumakain simula kaninang umaga"-Ani ko "Anong nangyare sa balat mo parang pinaso ata iyan?"-Ani nito "Ah natapunan po ng mainit na sabaw kanina dun sa karinderya"-ani ko rito "Kay myrna ba na karinderya yan?"-tanong nito "Alam niyo po yun?"-Gulat kong sambit "Sino bang hindi makakakilala dun,masama ang ugali nun,pero malapit lapit na rin ang karma ng matandang bruha na yun,pag ako yumaman papainumin ko ng isang truck ng holy water yung bruhang yun ng mabawas bawasan ang kasalanan "-ani niya habang nanggigigil na kain niya sa tinapay "Bakit po kaya may mga ganiyang tao no? Imbis na tulungan tayong mga nangangailangan sa kanila,pinapahiya pa po tayo sa mga tao o kaya mas lalong inaapi"-Malungkot na saad ko rito "Ganun talaga ang buhay kailangan mga mga bruhang katulad ni myrna para mas lalo tayong maging malakas sa sarili natin at magsikap,kaya ako pag yumaman ako babalikan ko yung bruhang yun"-Ani nito at inabutan ako ng tubig, "Buntis ka no?"-tanong nito sakin "Pano niyo po nalaman?"-Gulat ko na sagot rito "Naku Ineng! matanda na ko,paalis ka pa lang pabalik na ko"-Ani nito sakin "ilang buwan na?"tanong niya ulit "2 months na po"-ngiting saad ko dito "Nasan ang tatay niyan? Tinakbuhan ka nung nalaman yan dinadala mo nu?"-saad nito "H-hindi ko po kasi kilala kung sino ang tatay nito"-nakayukong saad ko habang hinahaplos ang tyan ko "Hay naku mga lalake talaga!,pagkatapos ka pagsawaan pag nalaman may pananagutan tatakbuhan ka at iiwanan ng wala man lang paalam"-Ani nito "Hayaan niyo na po lola baka mastress lang po kayo"-ani ko rito "Anong pangalan niyan?"-Tanong niya muli Wala pa kong naiisip na pangalan Saktong may nakita akong pusa "Hmmm,Meow po"-Sagot ko rito "Hayaan mo,aalagaan ko kayo ni meow sa abot ng aking makakaya,papalakihin natin siya ng may takot sa dyos at hindi maramot sa kapwa"-Ani nito "Salamat po lola!"-Tuwang tuwang saad ko at niyakap siya,hinaplos niya naman ang likod ko "O siya,bumalik ka nalang dito bukas,para makakain ka"-ani nito "Sige po lola,"-ani ko rito see Nagpasalamat naman ako dito at nagpaalam na, Naghahanap hanap ako ng pwesto na san kung pwede matulog ng may mahanap ako ay dun ako pumwesto at natulog, K I N A U M A G A H A N "Anak ng teting naman oh,ikaw na naman"-sigaw ng babaeng nasa gate ngayon inaninag ko naman ang mukha nito ng makita ko ang mukha nito "Sorry po ate"-paghingi ko ng pasensya rito "O siya,umalis ka na dyan kasi darating na ang amo ko baka masagasaan ka pa dyan"-ani nito Agad agad akong tumayo at niligpit ang pinaghigaan ko "Salamat po!"-Ani ko rito "Wait lang"-Ani niya Nakita kong pumasok ito sa gate at maya maya ay nakita kong may bitbit ito sa plastik "Wag ka mag alala hindi panis yan,may handaan dito kagabi hindi na rin kakainin yan ang dami pa nga dun eh,hatian mo nalang mga kaibigan mo"-ani nito at unabot sakin ang pagkain na nasa plastik "Salamat po ate!"-Tuwang tuwang sambit ko rito "Sige,sige alis na baka madatnan ka pa ng amo ko dito"-ani nito Dahil sa tuwa ay pinuntahan ko ang pwesto ni lola kagabi,nakita ko naman siyang tulog pa kaya agad ko itong nilapitan, "Lola! Marami po akong dalang pagkain ngayon,binigay po sakin nung babaeng masungit! kain po tayo"-Masayang ani ko rito Niyugyog ko ito ngunit hindi ito gumagalaw kaya kinakabahan akong niyugyog ulit siya "Lola! Lola!"-Naiiyak na sambit ko rito "TULUNGAN NIYO PO KAMI! YUNG LOLA KO!"-sigaw ko sa mga taong dumadaan sa pwesto na yun, Madaming tao na nagkumpulan pero imbis na na tulungan kami ay nagsi kaniya kaniya silang labas ng cellphone Oy yung matanda~ Hala ano kayang nangyare dyan?~ Tawagan niyo yung ambulansya dali!~ Baka inatake yan ~ Kawawa naman ~ Nasan na kaya ang mga kamag anak niyan?~ Post mo sa f*******:~ Ang kung ano ano pang narinig ko na mga bulungan dahil sa galit ko kumuha ako nang malaking bato at tumayo "TATAWAG KAYO NG AMBULANSYA O ISA ISA KONG IPUPUKPOK SA ULO NIYO TO!!!"galit na galit kong saad,agad silang nagsitawagan ng ambulansya "Lola!"-umiiyak kong saad Maya maya lang ay dumating na ang ambulansya at agad na pumunta sa gawi namin "Kaano ano niyo po ang namatay?,Anong pangalan po niya?Ilang taon?"-Sunod sunod nitong tanong sakin "Pwede po bang dalhin niyo po muna ang lola ko sa hospital?dun niyo nalang po ako tanungin sa hospital daig niyo pa imbestigador"-Inis na saad ko dito Agad naman nilang binuhat si lola at isinakay sa ambulansya,pinasakay rin nila ako Habang nasa ambulansya ay hawak ko ang kamay ni lola habang umiiyak Ng makarating kami sa hospital ay agad siyang inasikaso ng mga doctor at nurse "Anong sabi po ng doctor?"-tanong ko sa nurse "Sorry po mam,wala na po ang pasyente dead on arrival na daw po siya nung dinala dito"-Ani ng nurse Agad akong napaupo sa sahig at tinakpan ang bibig ko, Pinapatahan naman ako ng nurse, "N-nsan n-na p-po s-si l-lola?"-Utal utal kong sambit dito "Nasa morgue po,samahan ko po kayo"-ani nito at inalalayan ako nitong tumayo at ng makarating sa morgue ay pinaalis ko na siya "Lola naman!,Hindi pa nga po kayo nakakaganti sa mga umaapi sainyo iniwan niyo na po ako!"-Umiiyak na saad ko rito habang hawak ang kamay niya "Sabi niyo po papalakihin natin tong si meow ng mabuti"ani ko rito "Madaya naman po pala kayo eh,kakakilala ko lang sainyo iniwan niyo po agad ako," "Pano na po ako ngayon kung wala na po kayo?" "Marami po akong pagkain dala oh! binigay ni ateng masungit kaninang umaga," "Dapat nga po sabay tayong kakain at mabubusog tapos pagkwekwentuhan ang mga buhay natin,pero pano po kung mag isa nalang ako? Malas po ba ko,kasi lahat ng nalalapit sakin nawawala bigla"iyak na iyak kong sambit Hindi ko na namalayan ang sunod na nangyare dahil nagblack out ang nasa paligid ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD