NG MAGISING AKO KINAumagahan ay agad akong napatayo sa truck,nakita kong puro puno ang paligid at nakatigil ang truck kaya agad akong dahan dahan na bumaba.
Nilibot ko ang paningin ko sa probinsya na kinatatayuan ko.
"Miss?"tawag ng isang ale agad ko itong nilingon
"B-bakit po?"kinakabahan kong sagot dito.
"Bago ang iyong mukha,ikaw ba ay nagbabakasyon dire?"ani niya
"O-opo"tanging nasagot ko
Ng bigla na lang itong umalis.
Kaya naglakad lakad ako kung san ako dadalhin ng paa ko,
"s**t, yung pagkain ko!"napamurang saad ko dahil nakalimutan kong nasa truck ito ngunit ng pagtingin ko ay wala na ang truck kaya napamura ako ng ilang beses.
Naghanap hanap ako ng karendirya at ng may mahanap ako ay naghanap ako ng ulam.
"Magkano po sa menudo?"tanong ko
"Bente isang serve lahat ng ulam "sagot ng medyo matanda
"Yung kanin po ninyo?"tanong ko ulit
"Lima isang order"sagot niya,nagulat naman ako sa baba ng presyo nila kaya napabili ako at kumain ng kumain ng matapos ay agad akong nagbayad at nagpasalamat at nagtanong tanong rin kung san may mauupahan,
"Yan diretsuhin mo lang tapos may makikita kang kubo na medyo bata ang nagbabantay, nagpapaupa ang mga iyon"ani niya kaya pinasalamatan ko itong muli
Sinunod ko ang sinabi ni tatang ng makarating ako ay nakita ko ang babaeng naka two piece,
"Mangungupahan po sana ako"saad ko rito
"Isang libo kada buwan,libre na kuryebte at tubig"masungit na saad nito agad naman ako nagbigay ng apat na libo kaya binigay niya sakin ang susi at tinuro ang bahay.
Pumunta ako sa kulay pula na bahay at binuksan ito,simple lang ang bahay at kasya ang isa o dalawang tao kaya pumasok na ko dito at naupo.
Inayos ko naman lahat ng gamit ko at ng makitang mag-gagabi na ay agad akong lumabas para bumili ng ulam at ibang kailangan sa bahay.
Ng matapos ay agad akong umuwi upang kumain at nagpahinga.
Nagising ako ng kinaumagahan kaya agad akong nag-ayos at nilinis ang kapaligiran ko.
"Oy,ang dami na namang kuha ni ellis sa paglalaot"rinig kong sambit ng ilan ilan sa tao,
"Swerte talaga ng batang iyon!"saad pa ng isa
"Hello!"Nagulat naman ako ng may kumalabit sakin,kaya napahawak ako sa dibdib ko.
"Sorry,nagulat ba kita? nakita kasi kita ilang linggo na dito at wala kang kinakausap na iba.Mahiyain ka ba?"ani ng medyo batang babae
"P-pasensya na"saad ko ngunit tumawa lang ito
"Ano ka ba,wag kang matakot sa mga tao dito mababait naman kaming lahat"ani niya
"H-hindi lang kasi ako sanay sa tao"kamot ulo kong sambit
"Ako rin eh nung una,pero masasanay ka rin by the nag almusal ka na ba? halika sabay na tayo"ani niya at hinila ako sa pwesto niya
"Oy! may bago pala dito? hindi nga chismis yun!"tumatawang saad ng isang binatilyo kaya napayuko ako
"Wag mo ngang tinatakot jake!"saway nung batang babae,
"Ito pala isda,pinapamigay ni ellis!"ani niya at inabot niya sa babae
"Sa kaniya wala?"tanong nito
"Hindi alam ni ellis na may bago,hayaan mo sasabihan ko siya mamaya"ani nito
"Babye miss butipol!"ani nito at kumindat
"Kadiri amputa!"saad nung babae
"Btw ganiyan talaga dito sa amin kapag may pasobra kahit sinong mangingisda ay binibigyan lahat ng tao dito"paliwanag niya,binigyan naman ako nito ng gatas at suman,kaya tinanggap ko iyon
"Anong pangalan mo?"Tanong niya
"A-ako si mier"sagot ko.
"Ako naman si kalia pero lia tawag nila sakin dito,wag kang mahihiya magtanong sakin ha,kahit sa kanila mahiya ka wag lang sakin"ngiting sambit niya.
"Ilang buwan na pala yan?"tanong nito at nakatingin sa tyan ko
"Seven months"sagot ko rito at tinikman ang suman na binigay niya,masarap ito lalo na ang gatas na parang fresh gatas.
Ng tawagin ito ng ibang kaibigan niya inaalok ako nito sumama ngunit sinabi kong marami pa kong gagawin kaya hindi na ko pinilit nito.
Niligpit ko ang pinagkainan ko at pumasok sa loob, hinugasan iyon,mamaya ko na lamang ibabalik sa kaniya.
Habang nagliligpit ako ay may kumatok sa pinto akala ko si kalia na yun,
"Hi!"Saad ng isang lalake,may dala dala itong malalaking isda at basa ang katawan
"B-bakit po?"tanong ko rito
"Ikaw yung bago diba?Ito pala regalo ko sayo,welcome sa aming maliit na probinsya"Nakangiting saad nito at inabot sakin ang tilapia.
"S-salamat"saad ko rito at pinagsirahan ito ng pinto,
Ng matapos sa lahat ng gawain ay agad akong lumabas at nagpatulong kay lia na saan nagpapagas ngunit sabi nito uling ang gamit nila,
"Hindi ka marunong gumamit ng uling?"Gulat na saad ni lia kaya tumango na lang ako.
"Tuturuan kita madali lang naman yan eh"aniya
Nilabas niya yung lutuan niya na at nilagyan ng uling ng masindi at maapuyan niya ito ay nagulat ako sa mukha nito dahil puro uling kaya napatawa ako dito
"Oy,first time kong makutang tumawa ka,cute mo tumawa"ani nito kaya namula ang mga pisngi ko,
"Agad kong inumpisahan ang pagluluto ng paksiw na adobong tilapia sinabi ko ay hati na lamang kami,ng matapos kami kumain ay nagligpit na rin ako at puri siya ng puri dahil first time noya raw makakain ng sobrang sarap.
"Mier.Sama ka sakin Bukas ng gabi ha! pupunta tayo dahil fiesta ng brgy maligaya"ani nito tumango lang ako at paalam na itong magpapahinga na kaya ako na naiwan sa labas.
Tiningnan ko lang ang mga langit ngunut walang bituin,mapait akong ngumiti dahil sa kalagayan ko.
Hindi naman ito ang pinapangarap ko pero nangyare pa rin sakin dahil sa hindi ko alam kung sino ang nakabuntis sakin,
"Miss,gusto mo penoy?"Muntik na kong mapatalon dahil sa gulat kaya tiningnan ko ito ng masama.
"Pasensya na"kamot ulo nitong sambit
"W-wala po kasi akong pera"sambit ko dito,dahil kailangan kong mag ipon malapit na kong manganak kaya need ko ng mag ipon,
"Libre kita tapos bayaran mo nalang ako pag may pera ka na"saad nito at inabot sakin yung penoy
"Pasensya ka na,kailangan ko kasing mag ipon para sa panganganak ko,"saad ko rito
"Okay lang yun,bago ka naman dito libre nalang kita,ilan ba gusto mo?"ani nito
"Diba ikaw rin yung mangingisda na sinasabi ni kalia?"tanong ko rito,hindi ko alam pero parang komportable ako rito.
"Oo....magbabalot sa gabi...Mangingisda sa umaga"ngiting sambit nito kaya napangiti rin ako
"All around ka pala,swerte naman ng asawa mo"ani ko dito
"Swerte talaga.."ani niya,ewan ko pero kumirot ang puso ko sa narinig ko na iyon,hindi ko naman siya kilala ngayon palang pero parang kilalang kilala siya ng isip ko.
"Ilang buwan na pala yang baby mo?"tanong nito
"Mag wa-walong buwan"saad ko
"Edi pursigido pala kayo ng asawa mo dahil manganganak ka na"sambit nito ngunit nginitian ko lang ito,at nagpaalam na magpapahinga na sa loob,ng maisarado ko ang pinto ay humiga ako sa aking kama at natulog ng maraming iniiisip.