"Gurllllll!!"-nakakarinding sigaw ni jenna
"Naneto parang Ilang taon tayong di nagkita ah kahit kakakita lang natin kagabi"- saad ko sa kaniya at may kasamang batok
"Alam mo naman minu minuto namiss kita"- sagot niya sabay kinuha yung kinakain kong loaded "By the way may latest chika pala ako"- Dugtong niya habang kumakain ng loaded
"Spill it Te"
"Wag na lang excited ka eh"- ani niya
"Di kita ililibre mamayang recess "-nagtatampong kunyareng sabi sa kaniya at uunahan na sana siyang maglakad pero pinigilan niya ako
"Oo na ito na sorry na Tampo agad eh,di kita jowa te Para suyuin ka Btw kilala mo ba yung bagong Prof. natin sa mapeh"-Tanong niya sakin
"shunga ka ba pano ko makikilala eh hindi pa nga natin nakita"-ani ko s kaniya at binatukan siya
"Oo nga pero ang chika sessss!! Ang pogi daw at ang hot niya rinig kong sabi ng iilan student niya " -chissmiss niya sakin
Masarap magkaroon ng kaibigan na chismosa kasi hindi mo na kailangan lumapit sa chismiss siya na mismo lalapit sayo
"Oh tapos"- kunyareng interesadong sabi ko
"uhmm wala naman akong masyadong nasagap sa info niya pero single,35 years old na pero mukhang masarap pa rin,mag isa lang sa buhay,mayaman,8 yung pandesal,nasa ibang bansa papa niya tapos yung mama niya namatay na 8 years ago na may kapatid siya dalawang lalake pero yung isa lang close niya yung isa magka hate sila ewan ko kung anong/sinong dahilan pero ang alam ko dahil daw sa babae. Ang favorite color niya ay brown kasi yun daw kulay ng ano niya meron siyang i********: nasa 1.5 million na followers niya wala siyang following sikat siya sa ibang school favorite niya rin na pagkain ay amplaya na may gatas at asukal ang weird niya diba pero ang pogi konti lang naman nasagap kong balita sa kaniya"-Mahabang ani niya,
"Nakakahinga ka pa ba?-tanong ko sa kaniya
"Oo naman "- sagot niya
"Konti pa lang ba yan nasagap mo eh halos lahat ng info sa buhay niya alam mo. Stalker ka ba niya?"-Taas kilay kong sinabi sa kaniya
"Oo be Magiging stalker tayo Kapag pogi"-kinikilig niyang sabi
"Nakakakilabot ka na"-Ani ko sa kaniya.
*********
"Okay class So Dahil umalis na si Ms. Naragay Ang papalit sa kaniya ay si Mr. Torres Be Kind to him ha Goodbye class"- ani ni mam at niligpit ang gamit niya at umalis
Mr. Torres?
Yung matandang nasa Maria Clarra at ibarra
o kabaliktaran
May dala rin ba siyang tungkod
kasing pogi ba siya ni fidel o ni elias o ni ibarra
baka kamukha niya naman si padre sunny side up o si padre damaso
"Gurl ano san tayo pag uwi natin?" tanong nitong babaeng to
hindi ba to nauubusan ng laway
"alam mo naman bahay,school lang ako kundi malilintikan ako sa nanay ko buti sana kung ipapaalam mo ko"-ani ko sa kaniya
"Ako bahala sayo mamaya dun tay-" di niya natapos ang sinabi niya ng may pumasok na lalakeng matangkad sa room at nagsibalikan sa upuan ang lahat
"Good Afternoon Everyone My Name is BALTEZIER NOT BALTESIER BUT BALTEZIER TORRES I'M YOUR NEW MAPEH TEACHER at dahil bago ako isa isa kayong magpakilala simula sa likod you miss"-turo niya sakin
malas naman
"My Name Is Mierezare Dela cruz 17, Thankyou"-ani ko at umupo
"okay thankyou Miss Galang Your Name is beutiful like you Next"-ani nito at nagtilian naman yung iba kong kaklase
anong nakakakilig dun buti sana kung si bry my love nagsabi nun
Kamusta kaya siya?
kumain na kaya siya
ano kaya yung ginagawa niya ngayon
sino kaya yung kasama niya ngayon
Yung Girlfriend kaya niya?
sana ako na ang echos.
"Miss galang malalim ata yang iniisip mo baka gusto mo ishare sakin?"-taas kilay nitong sabi sakin
"Sorry sir"-Ani ko sa kaniya at nakinig na lang ako sa kaniya
ewan pero parang nakakailang sa tuwing magtatama yung mata namin. hind ko alam kung bakit pero nakakakaba siya.
****
"Okay That's Our Lesson today goodbye class"- Ani ni sir torres pero bago siya umalis tumingin muna siya sakin o assuming lang ako
"Gurl Kalerke ka, kanina ka pa tinititigan ni sir type ka siguro nun nagseselos na ko sayo"-pout niyang sabi sakin
"Gaga wag kang assumera malay mo yung sa likod ko yung tinitingnan niya "-sagot ko sa kaniya
"Siguro nga pero iba talaga eh "-ani niya na nagiisip pa
"Wag na natin pag usapan yun,Isipin mo nalang kung anong palusot na naman yung sasabihin mo kay mama"-Ani ko sa kaniya
"Ako bahala dun kaya nga bumili ako ng maraming make up eh"-sabi niya ng nakangiti ang creepy ng babaeng to pag nguminguti."pero bago yun libre mo muna ko gusto ko ng cheese egg sandwich at coke para everyday okay"-dagdag niyang sabi
Wala naman akong nagawa kundi ilibre siya. Kundi ko lang talaga siya kaibigan naku!
siya lang din kasi ang makapal na mukha na lumapit sakin dati. hindi talaga ako palakaibigan kung may gusto man makipagkaibigan sakin lumalayo ako dahil sa trauma ko.
pero mapilit tong babaeng to at ayaw akong lubayan dati,sabi ni mama subukan ko rin daw magkaroon ng kaibigan baka makalimutan ko daw yung nangyare pero hinding hindi ko malilimutan yun.
Simula nung magkaibigan kami ni jenna lagi na kaming magkasama kahit sa bahay gusto niyang lagi kaming magkatabi minsan nga sinasabi sakin ni mama baka ginayuma ko yang si jenna dahil gusto niya dati lagi kaming magkasama kahit ngayon naman.
pero ayaw naman sakin ng mama ni jenna dahil bad influence daw ako sa anak niya pero hindi niya alam anak niya yung laging nangunguna sa kalokohan
katulad nalang nung kinuhanan niya ng pagkain yung batang nananahimik sa park hinihintay siguro yung magulang bumalik bigla ba naman kinuha yung isang balot ng pagkain at tumakbo. napatakbo na din ako dahil sa takot tapos itong gaga tuwang tuwa ako naman takot na takot
tapos one time may namakyu sa kaniya na bata bigla niyang binatukan at kumaripas ng takbo buti nalang malayo ako sa kaniya kaya hindi ako nadamay
naalala ko nga nahimatay yung bata dahil sa batok niya
pero kapag may kaniya kaniya kaming problema nilalabas namin sa isa't isa..