Chapter 1

3044 Words
Chapter 1 Bellarina Sudalgo anak ni Calla Sudalgo at Santino Sudalgo may-ari ng isa sa tatlong pinakamalaking Cosmetics Company ang magulang ko. Binuo nila iyon sa sarili mismong mga paa.They worked together until they finally build their dreams. Pagkatapos nuon doon pa lamang ako nabuo. Papa is a well known professional scientist. Habang si mama talaga ang nagtapos ng kursong may kinalaman sa cosmetics. But still them being together worked no actually papa said it just clicked. Sabi nga ni papa siguro talagang itinadhana sila ni mama para sa isa't isa. Simula pagkabata lahat ng gusto ko ay madali kong nakukuha ng walang kahirap-hirap. Maybe because I have an angelic face and a pretty smile kaya naman walang duda at halos lahat ng lalaki ay nahuhumaling saakin. I get a way easily in their hearts. Nang tumungtong ako sa highschool ay mas lalong naging sikat ang pangalan ko. Halos hindi mabilang ang mga nagkakandarapang manligaw saakin at ang biglang pagdagsa ng mga gustong maging kaibigan ako. Paano ba naman kasi simula ng pumasok ako sa Saint Fatima University ay naging usap-usapan na ako agad dahil sa performance ko sa academics at hindi lang iyon pati na din sa mga iba pang activities sa University. Mapasports o pageant ay wala akong pinalampas. I like competing with anyone that's where I gain my confidence. For me popularity, wealth, and of course pretty faces is what the world is all about. Doon umiikot ang mundo. Walang puwang ang mga pangit. But I also believe na walang pangit na nilikha ayon nga lang may mas angat ang ganda kay sa iba. I take good care of my face and my body. Para saakin mukha ng isang tao ang pinakaimportante dahil kahit gaano ito kayaman kung pangit naman ay useless lang din dahil hindi ka din naman matatanggap sa lipunan. "Tita Dana!"bulalas ko ng makapasok sa loob ng bahay namin at makita ang ginang. Napalingon si tita Dana saakin at nakangiti ako nitong nilapitan. "Belle! Ang laki-laki mo na!"niyakap ako ni tita Dana and of course I hugged her back. "You're back from states?"I asked happily. Ito ang pinakaclose ni mama at ito din ang pinakapaborito kong ninang. Because she spoils me a lot. "Yes."ngumiti naman si tita Dana saakin."Anyways, where have you been? Kanina ko pa hinihintay ang paborito kong inaanak."she asked, grinning from ear to ear. "Naku! Busy'ng-busy yan sa pagmomodelo, Dana."napabaling kaming pareho sa kadarating lang. Si Mama. May bitbit itong meryenda. Kumunot ang noo ko. Madami kaming mga kasambahay sa mansion kaya bakit hindi na lang niya utusan ang mga iyon dahil unang-una ay trabaho naman ito ng mga kasambahay. "Ma!"lumapit ako kay mama at niyakap siya. "Well I don't see anything wrong about that, Calla. Napakaganda ng anak mo kaya hindi na nakakapagtaka na mapapasok siya sa ganoong larangan. You should be proud of."tumatangong sabi naman ni tita Dana at napabaling kami parehas ni mama sakanya. Kaya ito ang pinakapaborito ko sa lahat ng mga ninang ko dahil madalas akong kampihan. "Syempre nagmana ata saakin ang anak ko. Ang iniisip ko lang ay masiyadong magulo sa trabaho na iyan. Alam mo yan Dana."makahulugang sagot ni mama kay tita Dana."At isa pa siya ang mamamahala sa kompanya mahirap pagsabayin ang ganyang trabaho."mama added, shaking her head. Kapwa dating mga modelo din ang dalawa na tumigil lamang ng makapag-asawa. Because like what mama told me. Hindi daw gusto ni papa na nagmomodelo siya dahil dumadami lalo ang kaagaw ni papa kay mama. And I find it selfish and at the same time romantic. Tumawa na lamang si tita Dana at hindi na umimik sa sinabi ni mama. "Well I prepared meryenda at halika na kumain na tayo!"si mama. "And that's one of I missed, Calla. Ang galing mo sa pagluluto!"nakangiting sagot naman ni tita Dana at lumapit kay mama. Natawa naman doon si mama at nang tutungo na sana kami sa living room ay biglang nagdoorbell kaya naman napahinto at napalingon kaming lahat sa main door ng mansion. "Ah. Ako na po."presinta ko."Mauna na po kayo sa kusina."nakangiting sinabi ko. Tumango si mama saakin at ganoon din si tita Dana pagkatapos nauna na ang mga itong magtungo sa living room. Pagkabukas ko ng main door ay agad nanlaki ang mata ko sa nabungaran. "AHH!!! HALIMAW! MAMA!!"takot kong sigaw. Akmang isasara ko na sana ang pinto ng pigilan iyon ng lalaking mukhang halimaw at iniharang ang isang braso kaya hindi ko tuluyang maisara ang pinto kahit gusto mo siyang ipitin ay hindi ko magawa dahil masiyado siyang malakas! "HALIMAW!"binitawan ko ang pagkakahawak sa pinto at sinugod siya pagkatapos pinagpapalo-palo ang lalaki na sinasangga lang naman niya ng mga hampas ko sakanya. He don't look like he's gonna fight back. "UMALIS KA DITO!!"pagtataboy ko pa sakanya. "Belle, anong nangyayare diyan!?" Napalingon ako sa likuran at nakita ko sila mama at si tita Dana na nagtatanong ang mga mukha at ng mapatingin sa lalaki ay nanlaki ang mata nila sa gulat. "Ma, may halimaw na nakapasok sa bah---" "Mom, I told you this would happened."malamig na sabi ng lalaki sa harapan Naibalik ko ang tingin sa lalaki dahil sa sinabi nito. Sinong tinawag niyang 'mom' don't tell me anak ito ni tita Dana? Hindi na ako magpapakaimpokrita at talagang pangit naman ang lalaking nasa harapan ko ngayon. He looks like a beast! Kung ito ang kasama ko sa hapagkainan ay siguradong mawawalan ako ng ganang kumain dahil sa itsura ng lalaki. Saang planeta ba galing ang isang ito at ngayon lang ako nakakita ng ganito kapangit? O siguro hindi ako sanay makakita ng pangit dahil buong buhay ko napapalibutan ako ng mga magaganda at gwapo. Ang kalahating mukha nito ay may peklat at talagang kapansin-pansin iyon, parang nasunog na ewan. Where did he get those scars? Hindi lang simpleng peklat iyon. It looks like he's been through a real pain before because of that. Sa sobrang panlalait na ginawa ko sa lalaki sa isip ko ay nawala na sa isip ko na anak pala ito ng tita Dana, tinawag niyang 'mom' si tita Dana. Ngayon ko lang din kasi ito nakita. "S-sorry,"biglang nahiya ako sa inasal. Sa mismong harap pa talaga ni tita Dana ako umakto ng ganon. 'Ni hindi ko man lang napigilan ang sarili. Lumapit si tita Dana saamin."He's Ace my son, Belle."pakilala ni tita Dana sa anak at marahan akong nginitian."I'm surprised you still don't know him? Naging kaklase mo siya simula nuong kinder hanggang ng second year college, ngayon lang kayo hindi naging magkaklase."she added. Hindi ko maitago ang pagkagulat sa sinabi ni tita Dana. Naging kaklase ko ang pangit na ito? "Po?"tinignan ko ang lalaki. Nakakatakot talaga ang itsura niya kaya agad naman akong napaiwas dito ng tingin. Impossibleng hindi ko matandaan o maalala kung may naging kaklase akong katulad niya, sa pangit ba naman niyang iyan siguradong magmamarka iyon sa isipan ko at baka matrauma pa ko dahil doon. Binalik ko kay tita Dana ang tingin ko."What happened to him?"usisa ko ng hindi ko na mapigilan ang sarili ko. I'm not worried okay, I'm just bothered na may nageexist palang katulad niya I swear he really look like a beast. So scary. Akmang sasagutin na sana ako ni tita Dana ng unahan siya sa pagsagot ng anak niya. "None of your business." Pangit na nga ang sungit pa! Dapat kung may ganyang mukha e hindi na sana masama ang ugali para kahit papaano ay may maganda naman sakanya. Gusto kong irapan ang lalaki mabuti na lamang at nakapagtimpi ako dahil ayaw ko namang tarayan ito sa harap ni tita Dana at mabastos ang ginang. "Ah, Ace mabuti at nakapunta ka. Tamang-tama nagluto ako ng meryenda sumabay kana din saamin kumain."agaw ng ni mama sa atensyon naming tatlo. Magalang na tumango ang lalaki ng bumaling siya gawi ni mama. Mama smiled at him and nodded softly. Bakit parang ang tagal ng kilala ni mama ang pangit na 'to? "Pagpasensyahan mo na ang anak ko. Halika na sa sala, Ace." "Mom!"kontra ko dito ng makabawi ako sa pagkagulat dahil hindi ko gusto ang pag-imbita ni mama sa kanya para kumain sa mansion. I will lost my appetite for sure! Matalim akong tinitigan ni mama na nakapagtahimik saakin. She looked at me warningly. Alam ko na ang ibig niyang sabihin doon. Wala akong nagawa ng mauna na ang mga ito sa living room. Pagdating doon ay konti lamang ang nakain kong meryenda kahit pa paborito ko ang niluto ni mama. Nawalan ako ng gana dahil sa lalaking bisita namin ngayon! "That's harsh. Uh what I mean is Really!? S-siguro nagsusuffer ng sobra ang magulang niya. Ikaw ba naman magkaroon ng pangit na anak e."komento ng kaibigan ko na si Mishell matapos kong ikuwento ang nangyare kahapon sa mansion noong pumunta ang lalaking iyon na anak pala ni tita Dana! My God! I didn't expect that! Napangisi ako at tumango-tango sa sinabi ni Mishell. "Omg! Siya ba iyon, Belle? You're really right! He looks really disgusting!"nandidiring sabi ni Mishell at pasimpleng tinuro ang lalaking kapapasok lamang sa cafeteria. Nakasuot ito ng hood dapat lang. Dahil kung hindi baka mawalan ng gana kumain ang lahat ng taong andito sa cafeteria. Nang magawi ang tingin ng lalaki saakin, sa table namin ay umiwas ako ng tingin sakanya at inaya na si Mishell na umalis doon dahil ayokong makita ang pagmumukha ng pangit na yon! "Malapit ng magsimula ang P.E. Halika na Mishell."aya ko sabay tayo at kuha ng bag ko na nakalapag sa lamesa. Pagkatapos naming magbihis ng pang swimwear attire ay lumabas na ako ng locker ng mga girls halos sabay lang ang paglabas namin ni Mishell kaya nagkatinginan kami. "Hi, Belle!"bati ng mga kapwa studyante na nakakasalubong namin. Tinanguan ko na lamang sila at hindi na nag-abalang batiin pabalik. Minsan nakakasawa at nakakairita ang pagiging popular ko sa St. Fatima University. Nagsimula na ang swimming class at ng turn ko na para sa activity namin ngayong araw ay bigla akong nakaramdam ng pulikat sa kaliwang hita ko habang nasa pool ako. Nagkukumpas-kumpas ako sa pool habang kinakapos na ng hininga at pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng malay ay bigla na lamang akong umangat sa tubig at may kung sino ang bumuhat saakin. I am half unconscious. "Wait! What are you doing? Don't tell me ikaw ang magma-mouth to mouth kay, Belle?"narinig ko ang nandidiring tanong ni Mishell sa kung sino 'man ang nagligtas saakin. Agad sumagi sa isip ko ang mukha ng lalaking nakita ko kahapon. Mabilis akong napadilat at nanlaki ang mata ng mabungaran ito. Malakas ko siyang tinulak at agad tumayo. "MANYAK!"I accused him. Dali-dali akong nagtungo sa girl's locker at nagbihis. How dare he! Pero ang galit at pandidiring nararamdaman ko sa lalaki ay agad napalitan ng pagkakonsensya lalo na ng maalala ko na ito ang sumagip saakin and he was just trying to save me. Ah basta! Pangit pa din siya! "Are you sure, Mishell? Siya ang team captain ng basketball team?"pag-uulit ko sa ibinalita ng kaibigan. Did I heard it right? Tumango naman si Mishell saakin para kumpirmahin ang ibinalita."Oo nga, Belle. I know. Kahit ako din nagulat e. And you know what...."she trailed off."nalaman ko din na kaibigan niya pala sila Neon at Dylan." Mas lalong nanlaki ang mata ko. Ang dalawang iyon kasi ay sikat na sikat sa Saint Fatima University. Maliban sa sobrang guwapo ng dalawang iyon ay mga team captain din ang mga iyon sa iba't ibang sports nila. Si Neon ay sa swimming at si Dylan naman ay sa soccer, nabalitaan din ng buong Saint Fatima students na nakakahiligan din ng dalawa ang darts kaya gabi-gabi ay nasa paboritong tambayan ng mga ito ang dalawa kasama ang iba pang mga sikat at gwapong kaibigan. "You've got to be kidding me! Paano niya naging close sila Neon at Dylan!"hindi makapaniwalang komento ko sa kaibigan. Nagkibit-balikat lang si Mishell saakin."I don't know but I heard they are his childhood friends so close na close talaga sila." "BELLE!" Napatingin ako sa b****a ng gate ng may tumawag sa akin. Hindi ko kasabay ngayon si Mishell umuwi dahil may importante daw itong pupuntahan kaya naman nauna na ito saakin at mukhang nagmamadali pa dahil hindi na nakapagpaalam ng maayos. "Helios,"I smiled at the man who called me. Si Helios ay ang pamangkin ni tita Dana pero kahit ito ay hindi nabanggit na may anak pala ang ginang na ganoon ang itsura, pangit. "You're spacing out."pinitik niya ang noo ko at napasimangot naman ako dahil doon. Ang sakit nun ah! "May anak pala si tita Dana?"naitopic ko bigla. Saglit namang natigilan si Helios at ng makabawe ay mariin akong pinakatitigan. "Nakilala mo na si Ace?"balik tanong niya saakin na parang gulat. Kumunot naman ang noo ko. Ace? Who is Ace? "Sino si Ace?"takang tanong ko sakanya. Napailing siya."Si Ace anak ni tita Dana."sagot niya. Mabagal akong tumango sakanya na parang may iniisip. "So Ace pala ang pangalan niya."I said to myself. Ganda ng pangalan kaso ang pangit ng may-ari. Napailing-iling ako sa naiisip. Nagsisimula nanaman akong laitin ang lalaki na kagabi ko pa ginagawa. "So how did the two of you met? Sa wakas..." "Magugulat ka kung paaano..."I grinned at him. Kinuwento ko ang unang pagkikita namin ng lalaki kagabi at ang reaksyon ni Helios ay gulat na gulat pagkatapos kaya hindi ko mapigilan ang humagalpak ng tawa. "You're so mean, Belle."naiiling na komento ni Helios. Mas lalo akong natawa dahil doon pagkatapos nagkibit-balikat. "Never mind. What's his name again?"tanong ko. "It's Ace."he sighed. "Oh."napatango ako tila hindi interesado sa pangalan ng lalaki. I bet if I will remember that guy's name tomorrow. Wala namang espesyal sa pangalan mas lalo na sa lalaki."Let's go. I'm hungry."pag-aaya ko sakanya para maiba na ang usapan. Tumango siya at nagsimula na kaming maglakad at napahinto lang sa paglalakad ng makasalubong namin ang anak ni tita Dana. Tinaasan ko lang siya ng kilay ng magkatinginan kami at nilampasan na siya. "Let's go, Helios!"tawag ko kay Helios ng medyo malayo na ako at hindi pala ito nakasunod saakin, mukhang sinadyang huminto para mabati ang pinsan niya. Simula ng ipakilala ni tita Dana ang anak niya ay doon ko na simulang mapansin ang lalaki. Kahit hindi ko naman siya hinahanap ay kusang nakikita ng mga mata ko ang lalaki. What the f**k!? I'm not searching for him so why the hell my eyes would search for him in the crowd!? "What! Ngayon na ba ipapasa yan?"nagpapanic kong tanong kay Mishell. Nakalimutan ko na ngayon pala ang deadline ng pasahan ng thesis namin. Wala sa sariling tinampal ko ang noo ko. Paano ko nakalimutan ang ganitong kaimportanteng bagay! Damn, I'm dead! "Belle!" Napalingon ako sa labas ng classroom namin. "May nagpapabigay."abot ng kaklase ko. "Ano yan?"tanong naman ni Mishell. Nakikiusisa sa inabot ng kaklase namin saakin. Nag-angat ako ng tingin sakanya."I don't know."kibit-balikat kong sagot. Pagkatapos binuksan ko kung anong laman ng paper bag. A thesis paper! Sobrang kapal nun at kaparehas iyon ng thesis ko. Sinong nagbigay nito saakin? Is this even possible? May kaparehas ang thesis ko? Nagpapatulong akong gumawa ng thesis kay Helios. Kaya paanong... "Oh! Tapos mo na pala e. Bat nagpapanic ka diyan kanina. Ikaw talaga, Belle."Mishell shooked her head and went back to her seat. At ganoon na din ang ginawa ko. Kung sino 'man ang nagbigay nito saakin ay hulog talaga ang tao na iyon ng langit para sa akin. Dahil kung hindi ay malamang ibabagsak ako ni Mrs.Rivera, ang matandang dalagang professor namin na mukhang may galit pa ata saakin dahil palagi akong sinusungitan. "Pass all your thesis."bungad saamin ni Mrs. Rivera na kadarating lang. Isa-isa kaming tumayo at ipinasa ang mga thesis namin. "Congratulations!" Bati nila Helios at nila Neon saakin. Malapad akong ngumiti sa mga ito. Finally! Grumaduate na din ako at hindi lang iyon dahil magna c*m laude ako sa batch namin. Naging close ko sila Neon ng minsang ipakilala ako ni Helios sa mga ito noong birthday ni Neon dahil inimbitahan si Helios at isinama naman niya ako. And that is 2 years ago. "So what's your plan?"tanong saakin ni Helios. Ahead silang lahat saakin ng dalawang taon. "Hmm...magsisimula na ko sa paghahandle ng negosyo. Alam mo na tumatanda na si papa."I chuckled. "I thought you're gonna ask your parents for a vacation after your graduation."Neon told her. "Actually that was my parents plan."I replied."But you all know me. I don't waste time for nonsense things. Makakapagrelax naman ako kahit magsisimula na akong magtrabaho. And I love modeling you know. Ngayon na graduate na ako puwede na ako magfull time as a model." Neon grinned at me before nodding his head. "Well what about your company? Hindi ba ikaw ang mamamahal ng kompanya ng magulang mo? Hindi ka pa din makakapagfull time sa career na gusto mo."Helios said, shooking his head. "Hmm. Hindi pa naman ngayon ipapahawak ni papa ang kompanya saakin. I still have to train and learn about our company. At pinayagan naman ako ni papa sa gusto ko. Magsawa daw ako sa pagmomodelo at pagkatapos ay doon ko na hahawakan ang kompanya so no worries."I told him, smiling playfully. "Oh, Ace you're late."Dylan announced about his arrival. Napabaling ako sa lalaking kadarating lang. Hindi ito umimik at naupo sa bakanteng upuan. Sinundan ko naman siya ng tingin. Kung andito lang si Mishell siguradong magrereact na ito pero wala si Mishell dito at wala akong kakampi sa panlalait kay Ace. Pumunta ng ibang bansa si Mishell dahil kinailangan siya ng kanyang ama doon kaya naman sa kalagitnaan ng huling taon namin sa Saint Fatima University ay bigla itong nagtransfer sa ibang bansa kaya naman mas naging close ko sila Neon pero hindi si Ace dahil napakasungit at napakailap nito saakin na nakakapagtaka. Talagang ito pa ang aaattitude? Tss. Ayaw ko namang bigyan ng atensyon ang lalaki pero hindi ko alam kung bakit mas madalas ko na itong mapansin sa nakalipas na mga taon. And as years goes by... Ganon lamang ang relasyon namin ni Ace. We have common friends, magkaibigan ang pamilya namin pero para kaming stranger sa isa't isa. And I am used to that kaya hindi ko akalain na pagkatapos ng birthday ni Ace Alford Adams pagkatapos ng gabi na iyon ay magbabago na ang lahat saamin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD