CHAPTER FORTY-TWO

2431 Words

CIRCE “Why are you crying?” Mabilis kong pinunasan ang mga luhang lumandas sa pisngi ko nang marinig ko ang boses ni Denzell. Ni hindi ko man lang namalayan ang muling paglapit niya sa amin at ang pagtatapos ng training session dahil masyado akong okupado ng presensya ni Earth. “Sinaktan mo ba ang kaibigan ko?” he asked. Agad naman akong nag-angat ng tingin sa kaniya. “Walang ginagawa si Earth,” saad ko. “May napagkwentuhan lang kaya naiyak ako.” “About sa past n’yo?” He smirked. Napataas ang kilay ko dahil sa tanong niya. Halata sa tono niya na inaasar niya ako. Hindi ko rin makuha ang isang ‘to. Kanina lang ay concerned, ngayon naman ay inaasar na naman ako porke narito si Earth. “Hindi ka naman mabiro,” ani Denzell sa akin at saka inabot ang ulo ko para guluhin ang buhok ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD