DENZELL Nakaalis na sina Ariadne at iba pang kasamahan nito maliban kay Earth ngunit hindi pa rin humuhupa ang tensyon na mayroon sa kwartong iyon. Nakatulog na rin muna si Reva habang nasa tabi niya ako. Si Circe naman ay hindi ko pa nakakausap dahil umupo ito sa may malayo sa amin. Si Cleon at Miku naman ay pareho ring walang imik. Napalingon ako kay Reva at bakas pa rin sa mga pisngi niya ang tanda ng mga luhang lumandas mula sa kaniyang mga mata dahil sa init ng takbo ng bangayan nila kanina ni Ariadne. She was so frustrated at nalulungkot ako dahil doon. Still, I am choosing to trust my sister at hindi iyon dahil sa kinukunsinte ko siya kung may ginagawa man siyang mali but because I believe that she’s innocent. I know my sister more than anybody else in this room, in this Academy,

