RYKER Napabalikwas ako ng bangon matapos kong makarinig ng sunod-sunod na katok sa pinto ng dorm room ko. Napabuga ako ng hangin dahil hindi pa nga umiinit ang likod ko sa higaan ay mukhang may pinadala na agad ang kasamaan para guluhin ang nananahimik kong mundo. Hindi pa naman maganda sa gwapong kagaya ko na nalilipasan ng pahinga dahil minus pogi points ‘yon. Pagbukas ko ng pinto ay tuloy-tuloy namang pumasok ng kwarto ko si Averyl at saka umupo sa isa sa mga upuang naroon. She groaned nang makitang wala pa akong top na suot. Napangisi naman ako at saka napailing. “Hello rin sa’yo,” sarkastikong bati ko at saka isinara ang pinto. Agad naman akong pumunta sa lalagyan ng damit ko at saka nagsuot ng damit. Doon niya lang din nakuhang tumingin sa akin. “Bakit ka ba kasi nakahubad, ha?

