AVERYL “Sometimes, ang weird ni Cosmo, ano?” ani Xheen sa akin habang abala kami sa pamimili ng kakainin naming dahil break na. “Pero sa kanilang lima, siya lang ang normal,” dagdag niya at saka dumampot ng chicken sandwich na paborito niyang bilhin ditto sa cafeteria. “Pati si Denzell din naman,” sabi ko. Naalala ko na naman ang ginawa niya sa para sa akin kanina. Hindi ko ang inasahan na sa dami ng tao ng Academy na ito, si Denzell pa ang tutulong sa akin sa alanganing sitwasyon na ‘yon. “Uy, pinagtatanggol si Denzell,” sabi ni Xheen na may bahid ng pang-aasar sa boses niya. “Crush mo na ba?” Inirapan ko siya. “Porke napuri lang, crush na agad?” “Oo nga naman, Xheen,” pagsang-ayon ni Ryker at saka ako inakbayan. Pilit ko namang inaalis ang kamay niya pero sadyang matibay ito at ibi

