CIRCE Nangingiti akong napapalabi nang makarating na ako sa dorm room namin ni Reva. I went down to get us dinner at hindi ko inasahan na magtatagpo ang landas namin ni Earth and what he did…well, what he did made my heart flutter. I composed myself nang tuluyan na akong makapasok sa loob ng kwarto namin. Narinig ko naman ang tubig na nagmumula sa banyo kaya paniguradong naglilinis na si Reva ng katawan niya. Inilagay ko na lang muna sa table namin ang mga binili ko at saka naupo na muna sa kama ko while thinking about everything na nangyari ngayon-ngayon lang. Matapos ang mga trainings na finacilitate namin at makabalik na kami sa dorm ni Reva ay nauna akong naglinis ng katawan kesa sa kaniya. She seems so tired kaya nagpaalam ako na ako na lang ang bibili ng hapunan naming dalawa an

