AVERYL Pagdating ko sa kwarto namin ni Xheen ay nakita ko siyang nakatanaw lang sa labas ng bintana. Tila may malalim itong iniisip base sa kung gaano siya kaseryoso. Ni hindi man lang ako nilingon nito kahit na no’ng magawa kong ilapag ang mga gamit na dala-dala ko. “Akala ko ba magpapahinga ka?” I asked habang abala sa paglilinis ng mga palaso na nasa quiver ko bago iyon tuluyang itago sa ilalim ng kama ko. She looked at me. “Nawalan ako ng gana magpahinga,” aniya at saka naglakad na pabalik sa higaan nito. Wala naman akong nagawa kundi ang sundan siya ng tingin sa kung anong ginagawa at gagawin niya pa. Nanatili naman siyang tahimik habang yakap-yakap niya ang kumot niya at nakatingin lang sa kawalan. “Anong gumugulo sa ‘yo?” I asked her. Napatingin siya sa akin at saka bumunto

