REVA Pagdating namin sa labas ay nagkakagulo nga ang mga estudyante gaya ng sumbong sa amin. Hindi sila pamilyar sa akin pero mukhang puro sila mortal dahil walang gumagamit ng abilidad sa kanila. “Anong nangyayari rito?” ani Circe. Agad naman silang natigilan nang marinig ang boses ni Circe. Awtomatiko namang nahawi ang daan nang makita kami ng mga estudyante. I crossed my arms at saka muling bumuntong-hininga para pakalmahin ang sarili ko. “Ano sa tingin n’yo ang ginagawa ninyo?” tanong ko sa mga estudyanteng nagkakagulo. “Isang araw pa lang na nawawala ang mga mentors natin, ganyan na ang ginagawa ninyo?!” “Ano bang pakialam mo?!” singhal no’ng isa sa akin. “Porke bagong defender ka, ang yabang-yabang mo na!” Bago pa man ako makasagot, nagitla na ang estudyanteng ‘yon nang may

