Pagkauwi ko sa bahay namin ni JM nadatnan ko ang mga kagang ko na nasa salla na nanunuod ng TV. At home na at home sila ha! Pagkakita nila sa akin agad naman silang tumayo at sabay-sabay na binati ako. " Pano kayo nakapasok dito? " walang emosyon kung tanong sa kanila. Nagkatinginan naman silang lahat at nagtutulakan pa kung sino ang unang magsasalita sa kanila. " Sasagot kayo o papalabasin ko kayo dito na nakahubad. " sabi ko ulit sa kanila. " Woooh....huwag niyo ng sabihin para maexpose naman ang magandang ka- " " Seryuso ako Jacob. " natahimik naman siya sa sinabi ko. " G*g* ka talaga. " saka siya binatukan ng tatlo. Napailing nalamg ako sa ginawa nila..pano ba ako nagkaroon ng mga kaibigan na ganito. Seryuso yung Leader nila tapos sila nagawa pang mangloko. " Ano na. " sabi k

