The next day namasyal namin kami kailangan na naming sulitin dahil uuwi na rin kami bukas. Tatlong araw lang kasi ang binigay ni Tito sa amin dahil alam niyo naman may mga pusok pa kami. Nagpipicturan at namimili ng mga kung ano ang ginagawa nila. " Hindi kaba bibili? " napatingin naman ako sa likuran ko. " Akala ko ba hindi ka sasama? " tanong ko sa kanya. Niyaya kasi namin siya kanina pero ayaw niyang sumama..tapos ngayon nandito siya sa tabi ko. " Namiss kasi kita bigla. " sabi niya ng nakayakap mula sa likuran ko. Namula naman ako sa sinabi niya, naalala ko tuloy yung nangyari sa amin kagabi mas lalo akong namula ng maalala ko yun. " Kinilig ka naman. " pang-aasar niya. " Ewan ko sayo. " sabay bitaw ko sa pagkakayakap niya sa akin at iniwan na siya don. Mag-isa lang akong nagla

