" Dylan POV " " MAHAL MO BA SI MS. LOUISE!? " Hindi na ako nagtaka kung bakit yun ang tinanong nila..sino ba naman kasing hindi magtataka sa biglaang relasyon namin ni Louise. Kamakailan lang lagi kaming nag-aaway tapos mababalitaan nalang nila na girlfriend kuna pala ang President ng school. Sasagutin kuna sana ang tanong nila ng biglang nagexcuse si Yllana. Pa'no niya malalaman ang sagot ko kung umalis naman siya. " Ano na! Sagutin mo na yung tanong namin. " atat na sabi nong Joseph ba yung pangalan. " Kung sabi- " hindi kuna natuloy ang sasabihin ko..may bigla nalang kasing tumawag sa pangalan ko. " DYLAN!? " Napalingon naman kami sa babaeng tumawag sa akin. Napakunot noo naman ako ng makarating siya sa pwesto namin na humihingal. " Ms. Okay ka lang? " tanong sa kanya ni LJ

