" Louise POV " Masaya ako dahil nagkaayos na kami ni Dylan..akala ko galit talaga siya sa akin..yun pala nag-alala lang siya sa pwedeng mangyari sa akin pag nalaman ni Jack na ako si Black Shadow. Pero may part na malungkot ako dahil dalawang araw na hindi pa namin alam kung saan dinala ni Demon si JM..hindi din namin alam kung saan ang hideout nila. " Okay ka lang Yllana? " tanong sa akin ni Dylan. " Mukha ba akong okay Dylan. " sabi ko sa kanya. Alam niya namang hindi ako okay, nagtatanong pa. Nawawala ang kapatid ko tapos magtanong siya na okay lang ako? Siya kaya ang mawalan ng kapatid. " Mainit na naman ang ulo..meron kaba ngayon? " tanong niya sa akin. Sinamaan ko nga ng tingin, kahit magkabati na kami niyan dalawa lagi parin kami nagbabangayan ni Dylan, pero kahit ganun mahal

