" Kung alam ko lang na ito ang ipapagawa sa atin ni Master. Hindi na sana ako pumayag na lumipat dito. " bulong ni John na rinig ko naman. " Nakakapagod kayang maglinis. " reklamo ni LJ. " Pumili kayo..paglilinis o yung mas mahirap pa dito? Kung ayaw niyo okay lang sa akin. " Ako kasi ang nag palipat sa kanila dito. Akala kasi nila pinalipat ko sila dito para lang mag-aral. Kunsabagay pwede rin sila mag-aral dito..pero kailangan muna nilang gawin yung parusa..yun ay tulongan ang seksyon ko na maglinis nitong building. Nakarating na kami sa nililinisan nila Dylan. Nandon rin naman siya at naglilinis din. " Okay! Magsimula na kayong maglinis. " sabi ko sa kanila. " Ms. Louise parang ang unfair yata..kami lang ang bibigyan mo ng parusa tapos si Rex nakatayo lang dyan at nakatingin sa a

