"Xi!" Bulalas ni Mariel pagkakita nito sa akin. Kararating ko lang sa apartment galing ng hospital at naabutan ko ang kaibigan kong nakaupo sa may hapag-kainan, abalang kumakain habang nakasuot na ng pantulog nito. "Kanina pa kita hinahanap. Diba mas nauna ka sa ‘kin na umuwi? Tinatawagan rin kita pero hindi mo sinasagot." Anito. "May dinaanan lang ako." Saad ko sabay taas ng kaliwang kamay ko at ngumiti ng tabingi. Namilog ang mata mga nitong nakatingin sa kamay ko. As of the moment, my left hand was tightly wrapped with a bandage. "What the hell happened?!" Namutla ito nang makita nito ang kaliwang kamay ko. "Grabe baks! Diba yan ang dominant hand mo?" Anito. Alam ko ang ipinag-aalala nito. Ito kasi ang ginagamit kong kamay sa pagpipinta ko. "Don't worry it will take two weeks to he

