Sa kasalukuyan ay nasa daan na ako pabalik ng Maynila. Maraming binilin ang mga magulang ko sa akin bago ako umalis. Napangiti ako nang maalala ko ang mga iyon. I opened the car stereo and played a music. After coming out to my parents, I felt closer to them. Pero wala akong binanggit sa kanila tungkol kay Leo at sa kung anong nangyari sa amin. My coming out was still a shock for them. Ayaw ko na silang sorpresahin pa sa balitang nagkaroon ako ng nobyo ngunit hiwalay na kami. Bago ako umalis ay nagkaroon kami ng masinsinang pag-uusap ng ina ko. Muli kong inalala ang mga salitang sinabi nito sa akin. “Anak, thank you for having the courage to come out. It must have been scary and hard.” My mom squeezed my hand. “Hindi ko alam kung maniniwala ka sa akin. But, honestly, it doesn't matte

