"Ay palaka! Ay! Shet! Ay!" Nagulat ako nang biglang magsisigaw si Ken. Mabilis itong tumayo at pinagpag ang damit nito. Tulirong napatayo rin ako. "Shet! Shet! May pumasok sa loob. Ano 'yan?!" Sigaw nito. Nagmamadaling tinulungan ko ito. Hindi ko alam kung saang loob kaya inuna ko na lang ang loob ng t-shirt ni Ken at tinulungan itong pagpagin ang kung ano mang pumasok roon. Sa sobrang likot nito ay na-out of balance ito. He fell forward and accidentally pushed me down. The fall wasn’t that painful because the sand absorbed most of the force, but I still hissed in pain. Because as I fell, I reflexively used my injured hand to support my falling body. Natigilan ako nang bigla akong may nakitang insekto na lumabas sa kwelyo ng damit nito at mabilis na gumapang mula sa katawan nito pabab

