Dahan-dahang naglublob ng katawan sa pool ang lalaking tinawag na Yam habang inaalalayan ito nang kasama nito. Pagkatapos ay nakita kong mabagal na lumangoy ang mga ito papunta sa gawi ko. Mabilis akong tumalikod para hindi ako mapansin ng mga ito. "O, natatakot ka pa?" Tanong ng lalaki doon sa Yam pagkarating nila sa tabi ko. "Medyo kinakabahan lang." "Ang ganda diba?" "Nakikita ko rin naman 'to mula sa gitna, bakit kailangan pa nating pumunta dito sa gilid?" Tanong no’ng Yam. Tumawa ang kasama nito. Bahagya rin akong napangiti. Pagkatapos no’n ay biglang tumahimik ang dalawa. Nagtatakang tinignan ko ang mga ito at natagpuang tahimik pala na nagmamasid ang dalawa sa tanawin. At that moment, the guy who was with the guy named Yam turned his head towards me. It was similar to what h

