Naalimpungatan ako nang maramdaman kong kumalam ang sikmura ko. Nagmulat ako ng mata at tinignan ang orasan sa tabi ko. 2:34 am. Biglang nawala ang antok ko nang mapagtanto kong nakaidlip ako. Nakatulugan ko ang paghihintay kay Leo. Mabilis akong lumingon sa tabi ko. I sighed in relief when I found him sleeping soundly beside me. Nang sandaling iyon ay muli kong naramdaman ang pagkalam ng sikmura ko. Pamula noong magswimming kanina ay hindi pa ako kumakain. Bumangon ako at balak ko sanang magtungo sa kusina para maghanap ng makakain nang may mahagip ang mga mata ko sa may gilid. Isa iyong lunchbox at tumbler. Kinuha ko ang papel na nakadikit roon at tahimik na binasa. Don't skip dinner next time. From now on, I would let you know what time I would be coming home. The left side of t

