Ilang saglit lang ay bumalik na ito sa loob ng kwarto na may dalang sandwich at warm milk. Nagprito ito ng ham at egg, pagkatapos ay ipinalaman ang mga iyon sa dalawang pirasong tinapay. Tinulungan ako nitong makapwesto nang ayos bago inabot ang pagkain ko. "May nakita akong chocolate drink sa ref. Sa’yo ‘yon?" Tanong nito habang tinutulungan akong uminom ng gatas. "Thanks." I licked my lips while nodding my head. "Chuckie ko ‘yon." "Ano ka si Stanley?" Pang-aasar nito. I rolled my eyes. “Hindi lang pambata ang chuckie.” Saad ko rito at sinimulan na ang pagkain ng sandwich ko. Sa kalagitnaan ng pagnguya ay natigilan ako nang mapansin kong nakatitig lang ito sa mukha ko, hinihintay akong matapos kumain. "Ikaw? Asan ‘yong sa'yo?" Tanong ko rito. "I already ate while I was cooking. Ub

