Sa kasalukuyan ay nakatunganga ako sa loob ng apartment namin ni Mariel. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. All of a sudden, I had to start reporting for work tomorrow at Simmons Mall. Pagkagaling ko sa opisina ni Leo ay ihinatid ako ng driver nito sa apartment ko. Kasalukuyan itong naghihintay ngayon sa labas ng apartment. Ang sabi ni Leo sa akin, ang kunin ko lang raw ay ang mga importanteng gamit ko lang at iyong mga kakailanganin ko. Iyong iba ay pwede kong balik-balikan na lamang. I took a deep breath and started packing. No’ng huling beses kong umalis sa apartment ay isang duffel bag lang ang dala ko. Ngayon ay may kasama ng isang malaking maleta at malaking laundry bag na may laman na iba't ibang pares ng sapatos. Tinignan ko ang mga damit na inempake ko. Formal or se

