II: Cheaters

1676 Words
I looked at the engagement ring on my ring finger. Just by the looks of it, you can say that it is expensive. It looks perfectly fine on my finger… but this needs to be taken off. Wala nang patutunguhan ang mga bagay na ito. Napapikit ako nang marinig kong magbukas ang pinto. Nakaupo ako sa rocking chair sofa na nandito sa salas, habang sa kanang kamay ay may hawak na kopita na mayroong lamang wine. Halos makalahati ko na ang laman ng bote. “That was fantastic, hon! You never failed to make me…” Hindi ko na narinig ang huling sinabi dahil puro halos hagikhik na ang naging kasunod noon mula sa kaibigan kong si Nikita. Hindi ko alam kung bakit hindi pa ako umuwi. Hindi ko na rin matandaan kung paano ko natagalan ang dalawampung minutong paghihintay bago matapos ang kababuyang ginagawa nila sa likod ko. Sigurado ako na hindi lang ito ang unang beses ng kahayupan nila. Hindi ako umiyak habang mag-isang naghihintay rito sa salas. Nakakagalit. Nakakasama ng loob. Gusto kong sumigaw pero hindi pa man ako nagsasalita ay nauubusan na ako ng boses. Ni hindi ko magawang maibuka ang aking bibig sa sobrang sama ng loob para sa kanilang dalawa. They could have just told me… alam kong masasaktan din naman ako kung sakaling ganoon ang ginawa nila, pero mas masakit itong ginawa nila sa akin. Sana pinatay na lang nila ako kung ganito lang ang gagawin nila sa akin. “Get your things and I will send you home,” sa halip ay sagot ni Dione sa kanya. Papalapit nang papalapit ang kanilang mga boses. Nandito ako sa madilim na sulok ng living area, sabayan pa na naka-off ang ilaw rito kaya malabong mapansin nila agad ako.. “W-what? I thought we have agreed that I will sleep here?” Nikita started to throw tantrums just like what she always does every time what she wants does not grant. “Just go home, Niki. I will call As—” “Astrid! Astrid na naman! Ako ang nandito sa tabi mo tapos hinahanap mo ‘yang fiancé mong hindi naman mapagbigyan ang tawag ng laman mo!” halos pasigaw na ani Nikita, kasabay rin noon ay ang pagkalat ng liwanag sa buong unit. Magkaharap silang dalawa, nakahawak si Nikita sa braso ni Dione habang si Dione naman ay masama ang tingin sa babae. “Don’t include Astrid here!” Dione shouted and it almost boomed all over the place. Natigilan naman si Nikita sa biglaang pagsigaw ni Dione. Hindi ko alam kung mapapangisi ba ako o ano habang pinapanood silang magtalo. Parang kanina lang ay sarap na sarap sila sa piling ng bawat isa. And this is ridiculous! Isang malaking joke sa buhay ko ang dalawang taong ito. Ayaw niyang masali ang pangalan ko pero noong panahong nagtatal*k silang dalawa ay ni hindi nga niya ako maalala. “What? You are a j*rk! ‘Wag kang maghugas ng kamay na akala mo wala kang ginagawang kasalanan! Don’t defend her as if you are not cheating behind her back! As if you are not f*cking her best friend!” balik na sigaw ni Nikita ngunit kasabay noon ay ang paglipad ng palad ni Dione sa pisngi ng kaibigan ko. Dahilan nang pagpilig ng kanyang ulo paharap sa aking gawi. Iyon din ang naging hudyat para malaman nila ang presensya ko rito. Nanlalaki ang mga mata ni Astrid habang nakatingin sa akin, habang si Dione naman na fiancé ko—mali. Ex-fiancé na pala ngayon, ay halos mawalan na ng kulay ang mukha habang nakatingin sa akin. Parang biglang nagkaroon ng nakabibinging katahimikan sa loob ng unit. Parehong awang ang kanilang mga bibig na para bang hindi makapaniwala na nasa harap nila ako sa mga oras na ito. “Tapos na ba kayo?” mahinang tanong ko habang ibinababa ang kopita sa lamesita na nasa aking tabi lang. Pagkaraan ay tumayo ako para harapin silang dalawa. “Tapos na ba kayo sa panloloko n’yo sa akin?” Nagtiim ang aking bagang habang sinasalubong ang nahihintakutang mga mata ni Dione, ang lalaking una kong minahal. Pagkaraan ay naglipat ang tingin ko kay Nikita, ang kaibigan kong lubos kong pinagkakatiwalaan. Hindi ko akalaing siya pa pala ang aahas sa boyfriend ko. “B-babe…” Tinawid ni Dione ang pagitan naming dalawa at akmang hahawakan ako sa braso nang iwaksi ko ang aking kamay. Nakakadiri. Kahit ang tawagin niya ako sa ganoong pangalan ay hindi ko matanggap, dahil ang naaalala ko ay ang mga ungol na kanina lang ay pinagsasaluhan nilang dalawa. “Don’t touch me, cheater!” Halos ipagdiinan ko ang huling sinabi habang binibigyan siya ng malamig na tingin. “‘Wag mo akong hawakan dahil nakakadiri ka!” My deadly glare for him didn’t falter. He looked at me, hurt. Damn it! Ano ang karapatan niyang masaktan pagkatapos nang pagtataksil na ginawa niya?! Pagak akong napatawa. “Masarap ba, ha? Masarap bang lokohin ako?!” I almost screamed at the top of my lungs. Nakita ko pang halos mapatalon si Nikita sa kanyang kinatatayuan. “B-babe, hindi ganoon. L-let me explain.” Nabasag ang boses ni Dione habang pilit na inaabot ang aking braso pero sa halip ay isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya. Nakabibingi ang sampal na iyon at alam kong nasaktan siya roon, pero kulang pa ito sa sakit na idinulot niya sa akin. “What?! Ano ang kasinungalingan na ipaliliwanag mo sa akin? You are damn cheater, Dione! Ano ang ginawa ko para gawin mo ito sa akin, ha?!” Halos magdilim ang aking paningin. “Please, pakinggan mo muna ako. H-hindi ko sinasadya, babe—” “T*ngina! Ano ‘yon?! Hindi mo sinasadyang ipasok ‘yang putang*nang p*********i mo sa babaeng ‘yan, ha?! Hindi mo sinasadyang makipag-s*x sa best friend ko kahit na alam mong ikakasal na tayo sa susunod na buwan? G*go ka bang hayop ka?!” Naihilamos ko ang kamay sa aking mukha at halos mapapadyak sa sobrang galit. Malakas ang bawat pagkabog ng aking puso, nag-iinit ang aking tainga at nangangati ang aking kamay na saktan silang dalawa. Gusto kong magwala, dahil ngayong nasa harap ko sila ay ang pumapasok sa utak ko ay ang magkahugpong nilang mga katawan na nagtatampisaw sa init na dulot ng tawag ng laman. Nagsisikip ang aking dibdib at siguro sa sobrang galit ay walang kahit anong luha ang pumapatak sa aking mga mata. Magulo ang akin isip at para itong sasabog. “No, b-babe. Hear me first…” Isa pa muling sampal ang ibinigay ko sa kanya nang nagpilit siyang ikulong ako sa kanyang mga braso para yakapin. Halos kalmutin ko ang buo niyang mukha para lang makawala sa kanyang yakap. Nakakadiri sa kaalamang may ibang niyayakap ang mga bisig na ito. Nakakadiri na bukod sa akin ay may iba siyang hinahalikang babae. “Bitawan mo ako, Dione. Hayop ka! Let me go, assh*le!” Parehong habol namin ang hininga hanggang sa makalayo ako. Dahil mestizo si Dione ay kitang-kita ang guhit ng mga kuko sa kanyang pisngi, pero wala akong maramdaman na pagsisisi ni katiting. He deserves that. No, he deserves more than the scratches I have made because he is a freaking cheater. Sa pagkawala ko mula sa yakap niya ay nagharap kami ni Nikita. “Ash, s-sorry—” Isang malakas na sampal mula sa akin ang pumutol sa dapat na sasabihin niya. Ayokong marinig ang kahit na anong paghingi ng tawad mula sa kanila, dahil una pa lang hindi sana nila ginawa ito. Kung hindi pa ako pumunta rito ay hindi ko malalaman ang panloloko ni Dione sa akin. I am even excited going here just to surprise him, pero ako pa pala ang na-surprise. May nalalaman pa siyang I miss you at sana ay kasama niya ako, samantalang kumakalantari siya ng ibang babae. No, hindi nga lang basta ibang babae dahil mismong best friend ko! “What, Nikita? What came in your mind to do this stupidity, huh? Bakit sa dami ng lalaki bakit ‘yong fiancé ko pa?! Kating-kati ka ba kaya pati ‘yong boyfriend ng best friend mo ay pinatos mo?!” Wala na akong pakialam kung masasakit na salita man ang lumabas sa aking bibig. They deserve hurtful words. They deserve to be treated like this. I have trusted her. I treated her like my own sister, but she just stabbed me from the back. Nagtatas-baba ang aking dibdib sa paninibughong nararamdaman sa mga taong pinagkatiwalaan at minahal ko. Hindi halos makatingin sa akin si Nikita habang sapo-sapo ang pisnging nasaktan na siguradong namamaga na ngayon. Naglipat ang tingin ko kay Dione na nakatingin lang sa ibaba, sa paa niyang walang sapin. Napalunok ako at ipinihit na ang katawan patalikod sa kanila. I can’t stand watching them. Sumasakit ang mata ko. Nakakailang hakbang pa lang ako papunta sa pinto nang maramdaman ko ang paghawak ni Dione sa braso ko para pigilan ako. “W-wait up, babe. Please, don’t leave me.” I gritted my teeth and was about to go berserk if I didn’t hold myself. Huminga muna ako ng malalim bago siya hinarap. Agad na sinalubong ako ng namumula niyang mga mata. Nagmamakaawa ang mga tingin na ibinibigay niya sa akin pero kahit kapiranggot na awa ay wala akong makapa. Mas lalo lang nadadagdagan ang poot na nararamdaman ko para sa kanila. “After what you’ve done… gusto mong ‘wag kitang iwan? Nahihibang ka na, Dione!” Sarkastiko akong napatawa at kasabay noon ay ang marahas na pagtanggal ng singsing sa aking daliri. Sa halip na iabot sa kanya nang maayos iyon ay ibinato ko ito sa kanyang mukha. “The wedding is off. Magpakasal ka sa sarili mo, o kaya ang babaeng hitad na ‘yan ang iharap mo sa altar!” Pagkatapos ay walang lingon-likod na iniwan ko siya roon kasama ng singsing na buong puso pa niyang isinuot sa daliri ko noong nag-propose siya. Mga manloloko! Tubuan sana ng buntot ang noo ang lahat ng mga manloloko sa mundo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD