Jahzara:
Alas singko ng umaga nang magising ako. Sanay ang mga mata ko na gumising ng gano'n ka aga kaya dali-dali narin akong nagligpit ng aking pinaghigaan. Habang naglilipit saka ko lang naisip na dire-diretso pala ang naging tulog ko. Nataranta tuloy ako na baka dumating si Sir Najee tapos hindi man lang ako nagising kung sakaling ginising niya ako! Pero hindi, baka gusto pa nga no'n na tulog na tulog ako kaysa sa makita ako.
Pagkalabas ko ng banyo matapos kong ayusin ang sarili ko saka ako lumabas ng kuwarto. Nag dahan-dahan pa ako dahil baka nasa labas na si Sir Najee pero nang matanaw ng mga mata ko na gano'n parin ang ayos ng sala at kusina naisip ko na baka hindi siya umuwi. Dali-dali akong nagtungo sa kusina para tignan kung may mga mga kalat pero wala. Sa hindi malamang dahilan napatingin ako direksyon ng kuwarto niya. Nakasarado iyon. Hindi ko alam kung naro'n siya sa loob o wala. Wala rin naman akong lakas ng loob na silipin o alamin kung naroon siya kaya itinigil ko nalang ang pag-iisip. Hinayaan ko nalang na balutin ang kaisipan ko ng mga katanungan.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko inumpisahan ang gagawin sa kusina. Nag salang muna ako ng sinaing. Pagkatapos no'n ay saka ko inilabas sa reef ang karneng manok. Naisip ko na magluto ng adobong manok.
Pagkatapos ng ginawa ko saka ko napagpasyahan na kumuha ulit ng isang pirasong tinapay para makain. Nag tingin ako sa cabinet at nakita kong may gatas doon kaso hindi pa nagagamit. Nag aalangan naman ako na buksan kaya ang ending naglagay nalang ako ng mainit na tubig sa tasa saka hinaluan ng natural na tubig. Para lamang mainitan ang sikmura ko at hindi pasukin ng lamig kaya iyon nalang muna.
Maya-maya pa ay may doorbell. Nagulat pa ako dahil Sunod-sunod ang pag tunog niyon! Nakakataranta kaya mabilis akong pumunta sa maindoor para silipin sa maliit na butas kung sino ang nasa labas. Isang babae ang nakita ko. Walang hisitasyong binuksan ko ang pintuan. Hindi sagad kundi kaunting awang lamang para makita ko ang babae.
Kumunot ang noo niya ng makita ako. Sinulyapan niya ang kabuuan ko bago ulit ako tinutukan ng pansin. “Where's Nair?” Nagmamaldita niyang tanong sa akin. Halatadong mataray siya dahil sa kilay niyang purkang-purka. Sinilip ko muli ng mabilisan ang kuwarto ni Sir Najee bago siya tinignan.
“Hindi po ako sigurado kung nasa kanyang kuwarto pa siya, Ma'am–”
“Let me see him,” putol niya sa akin saka walang sabi na pumasok sa loob. Dala ng gulat ay nasundan ko nalang ang bulto niyang naglalakad patungo sa kuwarto ni Sir Najee. Kaagad kong sinarado ang pintuan ng makabawi at hinabol siya para pigilan. Hindi ko siya kilala at kahit walang pahintulot galing kay Sir Najee kailangan ko siyang palabasin!
“T-teka lang po, Ma'am!” Patakbong tawag ko sa kanya. Mabuti at binalingan niya ako kaya nagkaro'n ako ng pagkakataon na unahan siya. Hinarang ko ang katawan ko sa harapan ng kuwarto ni Sir Najee. Pati mga kamay ko ay nakaharang. Tinignan niya ako na may katarayan.
“Hindi po kayo basta-basta nalang pumapasok sa bahay ng may bahay, Ma'am. At saka po, baka natutulog pa si...S-sir Najee kaya hindi niyo siya pweding istorbuhin.” Lakas loob kong sabi sa babae. Tumaas ang isa niyang kilay bago pinag-krus ang kanyang mga kamay.
“And who are you to say that to me, huh? Hindi mo ba kilala kung sino ako?” Akusa niya sa akin. Pansamantala akong natigilan dahil sa tanong niya. Sino nga ba ako? At ano nga ba ako sa bahay na ito? Parang may kung anong tumusok sa dib-dib ko dahil sa mga tanong ko. Wala naman nga akong karapatan para pigilan siya. At saka malamang kilala niya si Sir Najee. Hindi naman siya mangangahas na pumasok kung hindi niya ito kilala. Dahil do'n, kusa akong umalis sa kinatatayuan ko. Binigyan ko siya ng daan para makapasok sa loob. Sumilay ang nakakapilyang ngisi sa kanyang mga labi nang makitang tumabi ako.
“Katulong ka lang naman dito, pero kung makaasta ka parang girlfriend ka ni Nair.” Asik niya sa akin bago binuksan ang pintuan. Parang tinamaan ako sa sinabi niya kaya walang sabi na yumuko ako pero nang bigla siyang lumabas, inangat ko ulit ang paningin ko. Hindi ma-drawing ang kanyang hitsura matapos niyang isara ang pintuan. Kumalabog ang pinto kaya nagitla ako.
“Wala naman pala doon pero kung makaharang ka daig pang may ginagawa siyang milagro sa loob.” Reklamo niya habang naglalakad papunta sa main door. May pagtataka ko tuloy na binalingan ang kuwarto ni Sir Najee bago pinagpatuloy ang pagsunod sa babae.
Hindi siya umuwi? Ibig sabihin lang no'n ayaw niya akong makita o makasama sa bahay niya. Hindi niya masikmura na naririto ako sa puder niya. Parang dinudurog tuloy ang pagkatao ko dahil sa mga isiping iyon.
Pagkalabas ng babae saka ko naman isinara ang pintuan. Hindi na ako naglakas loob na habulin ang babae para itanong kung sino siya at kung ka ano-ano niya si Sir Najee. Marahil isang kaibigan o baka...girlfriend? O baka naman fiancé na? Biglang humapdi ang mga mata ko. Ang agang-aga pero heto ako kung ano-ano ang iniisip! Nakakatuyo ng utak na isipin na ang marahil ay posibleng maging totoo. Dahil sa naisip ko bigla akong na alarma nang ma-alala ang sing-sing na nasa mesita! Hinding-hindi ko 'yon napansin kanina kaya inilang hakbang ko ang papunta sa sala. Nanlaki bigla ang mga mata ko nang makita na wala na ang mga sing-sing! Pati yo'ng envelope na nilapag ko sa sofa kahapon ay wala narin! Imposible na minumulto ako sa unit na'to! Kinilabutan tuloy ako!
Paano nangyari 'yon? Kung wala siya sa kanyang kuwarto, sino ang kumuha ng mga sing-sing at nang envelope?
Napailing-iling ako bago kinusot-kusot ang aking mata. Muli kong tinignana ang mesita kaso wala talagang sing-sing na nakalapag! Hindi makapaniwalang bumalik ako sa kusina para asikasuhin ang pinapalambot kong karneng manok. Baka naman umuwi siya kagabi at saka umalis din.
Ang alam ko may sarili siyang bar dito sa Maynila. Sikat na bar iyon. Hindi ko matandaan kung anong pangalan ng bar niya pero base sa kuwento ni Nanay marami nang branches ang bar ni Sir Najee. Siya lamang mag-isa ang nagpapatakbo ng main branch ng bar niya at ang iba ay kasosyo na niya ang iba niyang malalapit na kaibigan.
Pagkalipas ng ilang oras, naluto ko na ang adobong manok. Nakakain narin ako at nahugasan ko narin ang mga ginamit kong plato. Nalinis ko narin ang nga kalat ko. Pati ang sala ay nilis ko din kahit wala namang kalat. Yo'ng niluto kong adobo ay hinayaan ko nalang muna na lumamig sa pinaglagyan ko. Baka kasi biglang umuwi si Sir Najee at baka sakaling kumain siya. Hindi naman ako nag i-expect na kumain siya ng niluto ko. Baka hindi niya magustuhan ang timpla ng mga niluluto ko kaya wala sa bokabularyo ko ang umasa.
Ilang sandali pa akong naghintay. Baka sakaling bigla siyang dumating. Gusto ko kasi na mag paalam sa kanya na lumabas. Ipapa-laundry ko ang dress na sinuot ko kahapon. Staka bibili rin ako ng ilan kong damit na masusuot. Ang sabi ni Jackie Lou marami daw stall ng ukayin dito sa Maynila at saka magaganda pa. Mura din kaya naisip ko na mag-uukay ako mamaya kapag may pagkakataon na maka-alis.
Nagtagal pa ang paghihintay ko kaso walang Sir Najee na umuwi. Alas onse na at ilang minuto nalang ay mag a-alas dose na. Ang tagal kong naghihintay. Siguro hindi na talaga siya uuwi. Dahil do'n niyaya ko ang sarili ko sa aking kuwarto. Kinuha ang box ng dress na sinuot ko kahapon. Sunod kong kinuha ay ang wallet ko sa bag. May limang libo pa ako na itinabi ko mula sa sweldo ko no'ng nasa mga Yang pa ako. Ito nalang muna ang gagastusin ko. Balak ko rin na maghanap ng trabaho mamaya. Kung ganito naman kasi ang kalagayan ko mas maigi pang libangin ko ang sarili ko sa pagtatrabaho kaysa tumunganga dito sa condo unit.
Pagkalabas ko ng unit ay sinigurado kong naka-double lock ang mga seradura. May spare key akong nakita kanina at katugma siya ng main door kaya ipinagpapasalamay ko iyon dahilan para makalabas ako ngayon.
Habang papalabas ako ng hallway, bumalik ulit sa ala-ala ko ang babae. Inaamin kong bigla akong na-insicure sa kanya. Maganda yung babae. Halatang mayaman at mag kapantay sila ng antas sa buhay ni Sir Najee. Eh ako? Isang babaeng galing sa hirap. Anak ng isang tagapagsilbi ng mga Yang sa lugar ng Batangas. Higit sa lahat, Asawa ni Sir Najee pero walang karapatan na ipagmalaki at ipagyabang. Tanging sa papel lamang kami magkaugnay.