NAJEE: (THIRD PERSON POV) Napa-ismid siya nang lingunin niya si Jahzara habang mahimbing nang natutulog sa tabi niya. Halos maipit na ito dahil maliit lamang ang space ng sofa at kung ipipilit niyang dumikit pa baka mag lapat na ang mga katawan nila. Ilang minuto lang din naman ang itinagal niya sa tabi ni Jahzara. Hindi niya makuhang matulog ng mahimbing nang may katabing babae. Hindi sa hindi siya sanay. Ilang beses silang nagsisiping ni Lenzy noon bago pa dumating sa buhay niya si Jahzara. May mga babae din nan siyang natatabihan no'ng mga panahong lumalandi pa siya pero bakit ngayon parang sinisilihan ang katawan niya? Asawa niya si Jahzara pero bakit hindi niya magawang galawin ito. Parang isang krystal itong mamahalin na hindi niya kayang hawakan dahil natatakot siyang magasgasan

