[Jenneth] Mag-merienda muna kayo.
Sabay-sabay nilang kinain ang hinanda ni Jenneth sa lamesa. Habang si Andrea naman ay pumasok sa room nila para magpalit ng damit. Ilang minuto lang ay umalingawngaw na naman ang sigaw ni Andrea sa CR. Agad namang kumilos si Robin at pinuntahan ito.
[Robin] Deng, okay ka lang? Papasok ako!
[Andrea] Wag! Baka kung anu na namang gawin mo!
Madali din nakapunta si Jenneth sa CR. Nagtataka sya sa sagot ni Andrea kay Robin pero sya na ang pumasok para tingnan kung anung nangyare kay Andrea. Biglaan palang sumakit ang balakang at pwet ni Andrea dahil sa pagkakabagsak nya kanina. Inalalayan ni Jenneth si Andrea para maka-upo sa kama.
[Jenneth] Anu bang ngyare sayo?
[Andrea] Wala to! Nadulas kasi ako kakamadali kanina. Ngayon ko lang naramdaman ang sakit.
[Jenneth] Nasa Hospital na tayo kanina, hindi mo pa pinatingnan, bakla ka!
[Andrea] Okay naman ako kanina. Bigla lang sumakit.
[Jenneth] Sige magpahinga ka muna dito. Teka anu yung sinasabe mo kaninang ginawa ni Robin sayo?
Nagtinginan sila Robin at Andrea at sabay silang ngsabe ng "Wala yon!". Hindi na rin nagpumilit si Jenneth sa pagtatanong at balak na pangaasar sa dalawa dahil alam nyang may iniindang sakit si Andrea. Hinayaan na lamang muna nila na makapag pahinga si Andrea.
[Robin] Uhm.. Jenneth, Grace, uuwe na din kame.
[Grace] Salamat ulet Harry Potter!
[Jenneth] Hindi ko na kayo hahatid ha. Alam nyo naman dalawa na ang pasyente ko ngayon. Haha!
[Eugene] Ingatan mo din ang sarili mo.
[Jenneth] Oo naman. Salamat ulet!
Pagka labas ni Robin at Eugene ay lumabas na din si Andrea ng kwarto.
[Jenneth] Parang may dapat ipaliwanag ang Dyosa natin Grace.
[Grace] I'm waiting sa chika, Bez!
[Andrea] Anu ba yun? Tigilan nyo ko ang sakit na nga ng balakang ko.
[Jenneth] Anu ba kasing nangyare kanina sa inyo ni Harry Potter at umabot ka sa pagsakit ng balakang? Ganun ba talaga kalakas?
[Andrea] Hoy babaeng green minded! Tigilan mo yang iniisip mo!
[Grace] Curious din ako, Bez! Kwento na dali..
[Andrea] Nadulas lang ako sa CR kanina at tinulungan nya ako makatayo. That's it.
[Jenneth] What? Nadulas ka sa CR, meaning nakahubad ka?
[Andrea] Ang dumi talaga ng utak mo. Naka bikini pa rin naman ako. Kaso ayun, nakita nya ang bulubundukin ng Sierra Madre.
Sabay na nagtiliaan at kinilig sila Grace at Jenneth.
[Grace] Tuloy mo ang kwento, Bez!
[Andrea] Ayun nga lang. Malisyosa kayong dalawa!
[Jenneth] Naku, bakla ba yang si Harry Potter? Nakita na ang bulubundukin ng Sierra Madre wala pa ring ginawa?
[Andrea] Hoy! Parang gusto mo may mangyare samin ha! Eh di ba ikaw ang type nun?
[Jenneth] Hanggang ngayon ba pinapaniwalaan mo pa rin yan?
[Andrea] Tama naman ako di ba?
[Grace] Manhid pa rin ang kaibigan natin hanggang ngayon. Hayaan mo na syang tumandang dalaga.
Matapos ang asaran ay maagang nagpahinga ang tatlo. Kinabukasan, nagpasya silang mamasyal sa Dubai Mall dahil maayos na ang pakiramdam nila Grace at Andrea. Gusto nilang sulitin ang natitira nilang araw sa Dubai. Pinuntahan nila ang Dancing Foundatain at nagpa picture pinaka mataas na building sa buong mundo, ang Burj Khalifa. Hindi rin nila pinalampas ang Dubai Aquarium na nasa loob lang ng Dubai Mall. Dahil napagod sila sa kakaikot at kakalakad, nagpasya silang magpahinga sa may Ice Skating bench.
[Jenneth] Sila Robin ba yun?
[Grace] Oo sila nga!
Tiningnan nila Jenneth at Grace si Andrea ng may pangaasar.
[Jenneth] Ang liit lang pala ng Dubai anu?
[Grace] Oo nga! Or baka naman si tadhana ay sadyang mapaglaro lamang.
[Jenneth] Biruin mo, sa Pinas, 7 years natin silang hindi nakikita tapos dito sa Dubai, everyday?
[Grace] Natumbok mo! Baka naman may sinusundan?
[Jenneth] Andrea ba ang pangalan? Haha!
Habang nang aasar ang dalawa ay naalala na naman ni Andrea ang nakraan...
Fieldtrip ng section Benevolence ngayon. Marami silang pupuntahan,una na duon ang Coastal Mall. Pinapasok na ang lahat ng istudyante sa loob ng Museum na may Aquarium.
[Jenneth] Bakla ang cute ng pagong.
[Calvin] Mas cute ka kesa dyan para kay Robin.
[Jenneth] Talaga ba? Teka, bakit ba palageng ikaw ang sasalita para sa kanya? Pipi ba yang kaibigan mo?
[Calvin] Ang sungit mo kasi palagi samin. Wala naman kaming ginagawa sayo.
[Jenneth] Sakin wala, pero sa kaibigan ko, meron! Tabe nga dyan!
[Grace] Oh highblood ka na naman dyan!
[Jenneth] Panu kasi yang Robin na yan, ayaw ako tantanan.
[Grace] Don't tell me crush mo din si Harry Potter?
[Jenneth] Over my dead body! Saka alam mo naman gusto sya ng kaibigan nating Dyosa. Haha!
[Andrea] Ako na naman ang nakita nyo! Wag nga kayong maingay dyan nasa likod lang sila.
[Jenneth] Hayaan mo marinig ni Robin nuh! Para naman magka idea sya sa nararamdaman mo!
[Andrea] Nakalimutan mo na ba ang sinabi nya sa classroom dati?
[Jenneth] Oo nga pala. Hmf! Kala mo naman kung sino! Wag na nga sya ang gustuhin mo!
[Andrea] Oo na, kaya tumigil ka na din bakla! Kanina pa silang nakatingin satin oh!
Inirapan lamang ni Jenneth ang grupo nila Robin.
[Andrea's mind] Kung kasing ganda lang sana ako ni Jenneth, magugustuhan din kaya nya ako? Bute pa sya palaging sinusundan ni Robin, samantalang ako, palaging agaw tingin. Sana mawala na ang feelings ko para sa kanya.
[Robin] Baka gusto mo nang pumasok sa loob, ang haba na ng pila oh!
[Andrea] Oh sorry.
[Robin] Ang lalim ng iniisip mo baka mahulog ka na naman.
[Andrea] Hindi na mangyayare yun!
Dali-dali pumasok si Andrea sa loob at sumunod kila Jenneth at Grace.
[Grace] Bez, anung sinabe sayo ni Robin at naka simangot ka na naman?
[Jenneth] At talagang hinahamon ako ng mga yan ah! Ayaw kang tigilan? Uupakan ko yan!
[Andrea] Anu ba kayo? Wala yun! Ang haba na kasi ng pila naka harang ako.
[Grace] Hindi ba sila makapag hintay?
[Andrea] Kasalanan ko naman, yaan nyo na! Baka nagmamadali lang para makita si Jenneth.
[Jenneth] Bakla ka! Wala akong paki-alam kahit sumunod pa sila sakin na parang anino nuh! Mas mahal ata kita.
[Andrea] Tomboy ka na ba? Kala ko bakla ka lang. Haha!
Nagtawanan ang tatlo at ipinagpatuloy ang pamamasyal.