Chapter 2: The Morning

1439 Words
Morning came quietly at the campsite Nagising ako ng maramdaman ko ang banayad na sikat ng araw na tumatama sa aking mukha sa loob ng tent. Nakabukas kasi ang zipper nito kaya pumasok ang liwanag na nagmumula sa araw. Nanatili lang akong nakahiga sa loob nito hanggang sa naalala ko ang mga pangyayari na naganap kagabi. Ang Shooting Star At ang naging yakap at halik ni Elissa na hindi ko inaasahan. Napangiti pa ako sa pag-aalala ng mga sandali na 'yon. Pero, mabilis ding nagbago ang reactions ko. “Totoo bang naganap 'yon? Hindi ba 'yon isang panaginip lang?” Bulong ko sa aking sarili. Bahagya kong ibinaling ang tingin sa kaliwang bahagi ko. At doon... nakita ko na natutulog pa siya habang nakapatong ang kanyang ulo sa mga bisig ko. Her breathing was soft and steady. Her face looked even more beautiful lalo na non'g tumatama rin ang banayad na sikat ng araw sa kanya. Napaka-ganda n'yang pagmasdan habang natutulog. For a moment hindi ako gumagalaw mula sa hinihigaan ko. Ayaw kong maabala ang masarap na pagtulog n'ya. Ayaw ko rin na makagawa ako ng ingay na s'yang dahilan ng paggising n'ya. Kahit na ang pangangalay ko, ay hindi 'yon dahilan para alisin s'ya sa tabi ko. Her hair was slightly messy and a few strands of hair were covering part of her face. Dahan-dahan kong inaalis 'yon gamit ang kamay ko at marahan na hinawakan at pinisil ang kanyang matangos na ilong. She shifted a little “Hmm” mahina n'yang ungol habang bahagya s'yang gumalaw. “Good Morning, Love” I whispered jokingly habang nakangiti. Bigla s'yang gumising ng marinig ang mga salita kong 'yon. Nagulat ako sa naging reactions n'ya. Hindi man lang kasi s'ya unti-unting nagmulat ng mga mata—bigla na lang s'yang bumangon. Akala siguro n'ya ibang tao ang kasama n'ya. Wala kasi kaming call sign na ginagamit sa isa't-isa kaya gano'n na lang ang reactions n'ya. Hindi kami 'yong tipo ng magkasintahan na gumagamit ng mga cheesy na palayaw tulad ng "babe", “love”, "Hon" , or kahit mahal. Sapat na sa'min ang tawagin namin ang isa't-isa sa totoo naming pangalan. “Wait.... Hindi ba ako na mali ng dinig? Did you just call me... Love!?” She asked, na may halong pagtataka. Pero, her cheeks slightly pink. Napansin ko 'yon at marahan akong napangiti. Maputi kasi s'ya kaya hindi maitatago ito. “M-maybe.....I did?” I teased " D-does it bother you?" “ Medyo” she admitted, trying to hide her kilig. “You know we don’t usually do that, right?” Dagdag niya pa. “Alam ko” Ani ko rito. “P-pero... Napaka-ganda pala niyang sabihin, lalo na sa taong mahalaga sa'yo at mahal mo” dagdag ko pa. Tumawa s'ya ng bahagya. Pero, mabilis nagpalit ng reactions “Tsk, Corny mo!” Ani nito habang may pagtulak pa sa'kin. Matapos n'yang sabihin 'yon, lumabas na siya ng tent. “Love, hintayin mo ako” I teased her again She stopped and looked at me but, she rolled her eyes. "Ewan ko sa'yo," she muttered with a small laugh. “Ow, come on, Love, don't leave me” biro kong sabi ulit habang dahan-dahang naglakad papalapit sa kanya. “Hmm.... Fine! Hulihin mo muna ako, pero... asahan mo hindi mo ako basta-basta mahuhuli” ani niya sabay takbo habang nakangiti. “Gano'n ba? Sige, andiyan na ako” sagot ko, sabay takbo papunta sa kanya Naghabulan kami sa camping site. Kitang-kita sa paligid namin sa kaliwa ang ibabang bahagi ng lugar gaya ng karagatan na kumikislap dahil sa tama ng araw. At mula sa kinatatayuan namin ay tanaw naman ang malawak na kapatagan na natatakpan ng luntiang mga damo at puno. Ang malamig na hangin ay dumadampi sa aking balat habang tumatakbo. “Hindi mo ako mahuhuli, Xiatros!” sigaw n'ya habang patuloy sa pagtakbo na tumatawa. Pansin ko ang paminsan-minsan n'yang paglingon sa'kin na tila tinitiyak Kung malapit na ako sa kan'ya. Napangiti ako. “Sigurodo ka ba r'yan?” Sagot ko habang binilisan pa ang pagtakbo. “Of course! Mas mabilis pa ako sa—” Hindi na n'ya natuloy ang kanyang sasabihin ng bigla s'yang nadulas sa damuhan. “Ah…!” Bago pa s'ya tuluyang bumagsak, mabilis akong tumakbo upang saluhin s'ya. Napahawak siya sa dibdib ko habang ako naman ay nakaalalay ang mga kamay sa kanyang likod. Sandali kaming tumahimik mula sa kinatatayuan namin. “Are you.... Okay!?” Pag-usisa ko sa kanya. She nodded. Patuloy lang kami na gano'n ang pwesto. Ang kamay niya ay nakahawak sa dibdib ko habang ang mga kamay ko ay nakaalalay pa rin sa kanyang likod. Ramdam ko ang bahagyang pagbilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa pagtakbo ko kanina......o dahil malapit kami ngayon sa isa't-isa. Kahit na 1 year na kaming magkasintahan, hindi pa rin maalis sa akin ang hindi s'ya hangaan ng sobra, na para bang hindi ko lubos maisip na totoo 'to. Unti-unti kong itinuon ang atensyon sa kanyang mukha Mula sa mga mata... pababa sa kanyang ilong. Hanggang sa tuluyang napunta ang atensyon ko sa kanyang mga labi. I didn’t even realize that I was slowly leaning closer. I could almost feel her breath, and I found myself swallowing nervously. “Xiatros…” she called softly. Natauhan ako ng marinig ko ‘yon Napakurap ako ng aking mga mata at mabilis na inilayo ang sarili ko sa kanya. “Are you… okay?” Pagtataka niyang tanong I couldn’t speak. I just nodded. “Maybe… we should go back to the tent,” she said. I nodded again without hesitation. She started walking, and I followed quietly behind her. Habang patuloy kami sa paglalakad, hindi ko maiwasan ang mapabuntong-hininga at mag-isip. Kung hindi n’ya sana tinawag ang pangalan ko Malamang— nagtama na muli sana ang aming mga labi. Napatawa ako sa pumapasok sa isip ko na ito at agad itinuon ang atensyon sa paglalakad. Habang papalapit kami sa campsite Naririnig ko na ang mga boses ng ibang campers— may nagkukwentuhan, at may mga batang tumatakbo sa damuhan. Nagpatuloy pa rin kami sa paglalakad hanggang sa… Bigla s’yang huminto. Napahinto rin ako ng mga oras na ‘yon. Dahan-dahan s’yang lumingon sa’kin. “Xiatros..” aniya “Hmm” sagot ko She hesitated for a moment before speaking. “About… last night?” Bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin at sasabihin ko sa kanya. Tanging ang pag-lunok na lang ng sarili kong laway ang nauna kong gawin. “A-alin doon?” I asked, stuttering. She looked straight at me. “ ‘Yong Halik” Pumasok kaagad sa isip ko na hindi lang talaga basta panaginip 'yong nangyari kagabi. Totoong naganap 'yon. Matapos kong marinig ang sinabi n'ya. Naramdaman ko ang pag-init muli ng aking tainga. Kaya naman mabilis kong ibinaling ang aking tingin sa ibang direksyon, pilit iniiwasan ang mga mata niya. “Do you regret what happened last night?” she asked, still looking at me. I took a deep breath. Then I fixed myself and looked at her seriously. “Why would you ask that?” “Wala lang… biglaan kasi,” sagot niya. “Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko kagabi at ginawa ko ang bagay na ‘yon” “No” Isang salitang binitawan ko She blinked. “No? W-what do you mean by, no?” Napabuntong hininga ako bago magsalita muli. “Hindi ko pinagsisisihan” dagdag ko. “Why would I regret something like that… especially when it came from the most important person in my life?. Ikaw ‘yon, ikaw ang babae na pinaka importante sa’kin at kahit kailan hindi ko makalilimutan ang mga pangyayari na ‘yon. She froze and slightly blushed “Aaminin ko sa umpisa… nagulat ako,” pagpapatuloy ko. “Hindi ko kasi ’yon in-expect.” I paused for a moment. Then I stepped a little closer and gently held both of her hands. “Pero, hindi ibig sabihin no’n na pinagsisihan ko ’yon,” mahina kong dagdag. “Kung tutuusin…” napalunok ako ng sarili kong laway, “… doon ko nga mas na-realize kung gaano ka kahalaga sa’kin. Ramdam ko rin ng gabing ‘yon mula sa halik mo ang pagmamahal mo” She stayed silent, listening to every word. “At kung may pagsisisihan man ako…” dagdag ko. “Ay ‘yon ang mawala ka sa buhay ko”. After saying those words, I leaned closer and gently kissed her forehead—just like I always do.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD